Kabanata 18

422 7 0
                                    

Napasilip ako sa bintana ng may narinig akong nag-doorbell. Tila napa-paranoid na tuloy ako dahil sa alam din ni Caleb ang bahay ko at anytime ay pwede ako nito puntahan. Baka mamaya pagmulat ko ng mata ko ay nandito na siya sa mismong kwarto ko.

Anong oras ba uuwi si Tita Tonia? Medyo kinakabahan din kasi ako na mag-isa lang ako.

Kung pupunta nga si Caleb ngayon ay wala pa naman ako sa timpla para kausapin ito. At natatakot din ako na baka nagalit ito nang tuluyan sa akin dahil sa sinabi ko sa kaniya kagabi at sa hindi ako pumunta sa opisina ngayong araw. Idagdag pa na hindi ko sinasagot ang mga tawag nito.

Kaya sinong hindi matatakot na ginanon ko lang siya? Na ginanon ko lang ang isang Vikero. Mamaya may pagka-narcissistic pala siya.

Mabilis akong yumuko nang makita ko ang pamilyar na sasakyan sa labas. Animo'y naging miyembro ako ng sandatahang lakas sa alerto kong dumapa.

"Shit. N-Nandito nga siya?" kinakabahan at pinagpapaiwasan kong tanong.

Ngunit wala akong pagpipilian kundi bumaba at harapin ito dahil sa nakailang ulit na ang doorbell nito. Mamaya mapagalitan pa ako ng ibang tenant dahil sa walang tigil na pag-doorbell niya.

Napahinga akong malalim na binuksan ang gate ngunit walang tumambad sa akin. Dumungaw pa ako sa katabing apartment na nagbukas din ng gate.

Ngunit nang mapagtanto ko kung sino ito ay agad ko itong sinitsitan.

"Sino sila? Anong kailangan?"

"A-Ah, pasensya na po! Akala ko rito iyong bahay nila Staizy, sa kabila pala. Pasensya na ho sa istorbo," paumanhin ni Felicio sa nakausap niya at napakamot sa noo na lumapit sa akin.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "B-Bakit? Bakit ka nandito? Ikaw lang mag-isa? May kasama ka? Kasama mo si Mr. Vikero?" sunod-sunod kong tanong.

Umiling ito. "Hindi, ako lang mag-isa. May inaasahan ka bang ibang kasama ko?" nanghuhuli nitong tanong na ikinailing ko naman. "Bakit hindi ka pala pumasok? May pasok ka kani–"

"O-Oh, anong nangyari sa iyo?" nag-aalala kong tanong nang mapansin ko ang sugat nito sa gilid ng labi niya. "N-Napaaway ka ba sa mga kanto rito?"

Tumawa itong umiling. "Hindi, napaso lang sa mainit na ulo, este sa mainit na sabaw," pagbibiro niya.

"W-What? Eh, mukhang hindi naman paso iyan," saad ko at iniisip kung napaaway talaga ito habang papunta rito.

"Ang totoo niyan ay medyo nagkatalo kami ni Mr. Vikero," pag-amin nito na ikinatakip ko ng bibig. "Kasalanan ko naman dahil iniwan kita kagabi. Pero ipinagtataka ko lang na noong bumalik ako ay parehong hindi ko na kayo mahagilap ni Mr. Vikero. Kahit si Dalia Collins is nawala na rin kagabi. Magkasama ba kayong tatlo?"

Mabilis na tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang huling sinabi nito. Ngunit mabilis akong nahulog sa pagbabalik-tanaw nang maalala ko na bago ko pa iwan si Rowen Terell sa table namin ay nawala na lang bigla sina Caleb at Dalia.

They are together? Bago pa lumapit si Caleb sa amin ni Mr. Ricalde?

Napalunok ako at napailing. "Hindi, hindi ko nakausap kagabi si Ms. Dalia," malalim na saad ko.

"Pero aminin na natin na medyo komplikado talaga si Mr. Vikero, 'di ba? I know you struggle a lot pero hang on, Staizy Mitch," payong saad nito. "Don't be mad at him dahil sa nagalit siya. Hindi naman tayo si Buddha para hindi magalit, 'di ba?"

Hindi ko pinagtuunan nang pansin ang sinabi nito. Iniisip ko ang mga posibleng teorya na magkasama sina Caleb at Dalia kagabi.

"Hindi ka raw pala ma-contact ni Mr. Vikero. Iniiwasan mo ba siya?" tanong nito. "Mahirap iyan lalo na sa kaniya ka nagtatrabaho. Hindi mo magagawang iwasan siya unless na magre-resign ka."

Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon