Kabanata 21

443 3 0
                                    

Mabilis akong hinatak ni Felicio palabas ng opisina noong naiwan na lang akong nakatayo kanina at tila natuliro sa mga mahika, este sa mga maruruming biro nito.

Dinaig ko pa ang manika na hinatak ni Felicio na animo'y ililipat sa kabilang departamento.

Kakayanin ko pa siguro ma-endure ang pagsusungit ni Caleb kaysa sa mga nakakahumaling nitong sinasabi sa akin.

"Hoy, Staizy! Okay ka pa ba?!" nag-aalalang tanong ni Felicio nang makarating kami sa parking lot. "Kanina ka pa tuliro riyan. May nangyari ba kanina? May sinabi bang hindi maganda sa iyo si Mr. Vikero?"

Mabilis akong nataranta sa tanong nito. "H-Huh? Hindi maganda? Tulad ng?" balik kong tanong imbes na sumagot.

Nagtataka ako nitong tiningnan na ikinaiwas ko. "Binigyan ka ba niya ng parusa sa biglaang hindi pagpasok kahapon?"

Tila nagkaroon ng giyera ang utak ko nang marinig ang isang salitang iyon. "P-Parusa? Wala namang nangyaring gano'n," mabilis kong tanggi. "N-Nagtanong lang siya kung bakit hindi ako pumasok kaha-"

"Pero hindi ba nagsabi ka na kahapon na may family emergency ka?"

Natigilan ako sa sinabi nito.

Sinabi ko ba iyon?

Ngumiting tumango na lang ako kaysa magpaliwanag. Mahahanapan lang ako nito ng butas kapag dumipensa pa ako. Silence is power.

Iniwasan kong magsalita habang nasa biyahe. Hindi. Wala lang talaga akong gana magsalita dahil sa tila klarong-klarong bumabalik ang nangyari kanina.

Nararamdaman ko pa rin ang matamis at malambot na labi nito sa dila ko. Ang malaki at matigas nitong dibdib pati braso. Pati ang mainit nitong paghinga sa bandang leeg ko. Detalyadong-detalyado pa ang maselan na paghalik nito sa memorya ko. Kaya paano ako babalik sa katinuan?

Siguro yayayain ko na lang si Alezia bukas na bukas ay sabay na kaming magpa-therapy. Hindi na kasi normal ang isip at puso ko sa mga nakalipas na araw.

"Staizy? Hoy!"

Natauhan ako sa tila kanina pang pagtawag ni Felicio habang pabalik-balik ang tingin sa pagmamaneho at sa akin.

"Sigurado kang okay ka lang? Kanina pa kita kinakausap," saad nito na ipinagtaka ko.

"H-Huh? Siguro? Baka? Hindi ko rin alam," tangang saad ko na ikinagulo nito na ipinagtaka ko. "Ah, ano ba sinasabi mo? Medyo masakit kasi ang ulo ko."

"Ang sabi ko ay anong tingin mo kay Mr. Vikero? Medyo nag-iba kasi siya lalo na kanina," saad nito na siyang totoong ikinasakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung nananadya ba si Felicio na ipilit na pag-usapan ito. "Kung nakita mo lang noong ngumiti siya pagpasok ko? Nakakagulat iyon! Hindi naman kasi siya ganoon! Walang ibang bagay na nakakapagpabago ng mood niya sa ganoong paraan."

Palihim na nasabunot ko ang buhok ko. Dapat pala naglakad na lang ako pauwi kaysa makipagbakbakan sa kadaldalan ni Felicio.

"A-Ah. Baka naman nagbabagong buhay na siya? Y-You know, people change."

"Possible bang magbago ang taong nagbago na?" magulong tanong nito. "Huwag mo sabihin na kaya ka rin nagpasa ng resignation letter dahil sa suhestiyon ko sa iyo kagabi?"

Umiling ako rito. "Hindi naman. Matagal ko na talaga pinag-iisipan iyong bagay na iyon," saad ko na lang.

"Anong nangyari sa letter mo? Bakit hindi ka pinayagan?" usisa nito. "Eh, kung ako iyon isang araw lang na walang pakita sa kaniya, wala na, uwian na!"

Pilit na ngumiting tumango ako.

"Hindi kaya mali-mali paggawa mo ng letter kaya hindi niya tinanggap?" paghihinuha ni Felicio na nahihiyang ikinatango ko.

Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon