Late na noong makauwi kami ni Alezia kagabi dahil sa gusto nitong uminom. Pinagbigyan ko na lang siya dahil sa hindi pa rin kumukupas ang galit nito simula kahapon ng hapon dahil kay Felicio.
Ngunit naalimpungatan ako noong madaling araw sa nakailang ring na ang phone ko.
"Alas kwatro pa lang. Wala talagang pinalalampas na oras itong si Alezia," saad ko na lang at inaantok na sinagot agad ang tawag.
Si Alezia lang naman ang masisikmurang tumawag sa akin ng ganitong oras.
"Bakit na naman ba? Siguraduhin mong importante talaga iyan," pagbabanta ko sa kabilang linya ngunit walang sumagot. "Huwag mong sabihin na hindi ka makatulog sa galit?"
"Come over here at Salvaria Gym."
"Adik ka ba? Ang aga-aga para sa kabaliwan mo, Ale–"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga at tiningnan ang phone caller pero unknown ito. Ngunit alam na alam kong si Mr. Vikero ito dahil sa tono pa lang ng boses nito.
Bahagya akong umubo bago ito sinagot muli. "S-Salvaria Gym? What time po, Mr. Vikero?" natatarantang tanong ko.
"Anong what time? Ngayon na mismo. I'll wait you here before five. And don't forget my coffee. You have 15 minutes."
"E-Eh? Pero hindi ba medyo malayo iyo– Hello? Mr. Vikero?" habol na sambit ko nang ibinaba niya agad ang tawag. "Emergency mukha niya. Akala ko ba tuwing may emergency lang siya tatawag?"
Sinimulan ko na agad kumilos at dinaig ko pa nga ang ibon dahil sa tila lumilipad na ako kakamadali.
Pagkarating ko sa location ay napatingala ako sa sobrang luxury ng gym. Exterior design pa lang ibang level na. Paano pa kaya ang interior design nito?
"Huwag niyang sabihin na tutulungan ko siyang magbuhat ng barbel kaya pinapunta niya ako rito?" tangang saad ko habang nakatayo sa entrance ng Salvaria Gym.
Pumasok na lang ako kaysa isipin na pinapunta lang ako ng ganito kaaga para lang sa kape nito. Ngunit bigla akong sinata ng receptionist saka pinaharangan sa security nila.
"I'm personal secretary of Mr. Vikero," sagot ko ng tanungin ako kung anong sadya ko.
"May membership card po ba kayo?" tanong sa akin ng babaeng receptionist.
Nag-alinlangang umiling ako. "No, hindi naman din ako maggi-gym. Pero sekretarya ako ni Mr. Vikero, you can check it," saad ko sa kaniya.
"Laging pumupunta rito si Mr. Vikero at wala naman siyang kasamang sekretarya," mataray na saad nito.
Napabuntong hininga ako at sinenyasan itong tatawagan ko ito upang patunayan sa kanila na pinapapunta ako nito rito. Ngunit hindi nito sinasagot ang tawag kaya noong balakin ko ulit tawagan ito ay lumapit muli ang security sa amin.
"Secretary nga ni Mr. Vikero. Hinihintay na siya kanina pa," saad ng security sa receptionist na nasa counter na tila napahiya.
"See? Secretary niya nga ako," saad ko na lang sa kanila ngunit hinarangan muli ako ng security. "Ano na naman ba?"
"Pasensya na po. Pero may dala po ba kayong damit? Kailangan kasing naka-sportwear pagkapumasok," saad nito.
"Hindi naman ako maggi-gym, maghahatid lang ako ng kape," saad ko rito ngunit hindi ito pumayag na papasukin ako.
Kaya napilitan na lang akong magpalit dahil mukhang wala silang balak papasukin ako sa loob unless na naka-sportwear ako.
Pinasuot nila sa akin ang light purple fitted top at fitted black leggings. Sobrang fitted nito na tila bakat na bakat sa balat kaya pakiramdam ko ay hindi rin ako makahinga. Pero dahil sa mamahalin ang damit ay hindi naman pangit suotin ang tela.
BINABASA MO ANG
Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)
RomanceStaizy Mitch Claveria decided to move to La Castellano because of the sponsorship offered for her mother's medical treatment. She applied to be the new personal secretary of Caleb Dale Vikero because of her financial status. Caleb is the most pruden...