There are many things on my mind right now. Kaya hindi ko magawang makatulog at tulalang nakatingin lang sa madilim na kisame ng kwarto ko.
Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi pa rin ako dinarapuan ng antok. Kahit na damang-dama ko na ang pagod ko lalo na buong araw na namang walang pahinga ang utak ko.
Malungkot akong napangiti nang inalala ko ang sinabi ni Tita Tonia.
"Huwag kang umalis sa trabaho mo. Bagkus patunayan mo na kaya mo," seryosong saad nito. "Ngunit kung ang mama mo ang magsasabi? Sasabihin niya agad na umalis ka na roon. Huwag isakripisyo ang kalusugan para sa pera. Huwag abusuhin ang sarili. Huwag tumakbo nang matulin."
Mabilis akong umiwas ng tingin. Itinuon ko ang paningin sa madilim na kalangitan. Isang oras na lang ay magkakalahating gabi na.
"Kaya sundin mo ang mama mo."
Napatigil ako at napatingin muli rito. Malungkot na ngumiti si Tita Tonia na siyang tumingin naman sa kalangitan.
"Mother knows best. Huwag mong tularan ang tiya mo na pinili ang karera sa buhay. Kung nakakapagod ang magkaroon ng pamilya, mas nakakapagod at nakakamatay ang mag-isa."
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang nagbabadyang luha ko sa gilid ng aking mata habang nakatitig pa rin sa kisame.
We are both in a silent war. Hindi ako makapaniwala na kahit bihira lang kaming mag-usap ni Tita Tonia ay ramdam ko ang bigat ng nararamdaman nito. Pero once na nag-usap kami nito ay sobrang lalim at ang daming mga bagay na napapagtanto ko.
That's why I realized now that I need to fix myself. Because I am still broke, financially, mentally, and even emotionally. Akala ko naman kasi okay na ako ngayon.
Maybe I take this opportunity to leave. Lumayo muna ng panandalian sa kanila. Mag-lie low muna. Mabuhay mag-isa. At ayusin ang buhay.
Nahihirapan akong tumayo at lumapit sa table ko. Nanghihina akong kumuha ng papel upang sulatan ng resignation letter. Ngunit nailukot ko lang iyon nang matuluan ng luha ito at itinapon kung saan.
Sinubukan ko muling magsulat ngunit hindi na napigilan ng mga luha kong kumawala. Hinayaan ko na silang maglayas at basain ang papel na susulatan ko dapat.
Tahimik akong naupo. Niyakap ang binti ko. At saka tahimik na humikbi.
I'm having a break down. Pero bakit ngayon pang madaling araw?
Pero siguro mula sa mga pagod ko nakaraang mga araw at linggo ito. Nagtipon-tipon at umapaw.
Ngunit pinilit ko ang sarili kong gumawa ng letter kahit na ilang papel na ang nalukot ko na siyang nagkalat sa sahig. Tila nagkaroon tuloy ng tennis competition sa kwarto ko na kung saan-saan na lang nakabalandara ang mga lukot na papel na nag-animo'y tennis ball.
"Bukas pa kaya ang printing shop?" naluluha at sumusukong sambit ko.
Malapit ng mag-alas otso ng umaga nang magising ako. Halos tatlong oras pa lang tuloy ang tulog ko dahil sa pinilit ko makapagsulat ng resignation letter. At nagawa ko namang makagawa nito.
Inilagay ko ang dalawang malamig na kutsara sa mata ko upang mawala ang pamamaga nito. Bago nagbihis ng white top at black skirt.
"What?! Magre-resign ka?!" malakas na tanong ni Alezia sa kabilang linya.
Halos isalpak na niya ang mukha niya sa phone screen nito sa sobrang gulat niya. Kulang na nga lang ay tumagos na rin ito sa monitor ko.
Tumango ako. "O-Oo, may resignation letter na ako. At hinanda ko naman na ang resume ko para sa pag-apply din ngayon."
BINABASA MO ANG
Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)
RomanceStaizy Mitch Claveria decided to move to La Castellano because of the sponsorship offered for her mother's medical treatment. She applied to be the new personal secretary of Caleb Dale Vikero because of her financial status. Caleb is the most pruden...