Kabanata 7

472 7 0
                                    

Sobrang daming alam ni Maurine. Hindi lang tungkol sa kompanya kahit sa personal na buhay nila.

Hindi kaya secret detective siya? Ang nawawalang kapatid ni Sherlock Holmes?

"Vikero Group is among the four most successful companies in Asia. Isa ang Vikero Group sa huge distributor ng ekonomiya ng bansa dahil sa mga subsidiary nila. Ang Vikero Security Agency, Vikero Real Estate Corporation, Vikero Medical Hospital, Vikero Marine Group, Vikeroil Company, Vikero Travel Agency, Vikero Winery, Vikero Retail, and lastly, the Vikero Unibank," saad nito na halos hindi ko ikahinga nang maayos at muntik ikalaglag ni Alezia sa upuan. "Their current market capitalization? It's 204 trillion pesos. And they have thousands of employees, isa na tayo ro'n."

Fuck. That's how they become billionaires. Sa gano'ng kayaman nila baka dumating ang puntong mabibili nila pati entrance sa langit.

Wait, magkano ba pera ko sa wallet? Wala pa sa isang libo dahil sa mga nagastos ko sa pag-apply nakaraan. Baka ang pera kong ito ay hindi pa aabot sa pambili ng tissue nila.

Hindi ko alam kung mababaliw ako sa mga narinig ko kay Maurine. Siguro itigil ko na ang pakikinig sa kaniya dahil sa nahuhumaling na rin ako sa mga sinasabi nito.

I need to focus. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga ganoon. Kailangan ko magtrabaho at kumita ng malaki saka bayaran si Tita Tonia. Pero hindi ako kikita ng malaki kung may chance na tanggalin ako ni Mr. Vikero dahil sa masamang tinuran ko rito nang nagkita kami sa elevator.

Pagkapabalik ko sa opisina ay halos mapatalon ako sa gulat nang tila may nagbato ng babasagin kung saan.

"W-What happened?" gulat kong tanong kay Felicio na kahit hindi ako nito naririnig dahil nasa loob ito ng mismong opisina ni Mr. Vikero ay mukhang napansin naman ako nito.

Ngunit umiling lang ito at sinenyasan akong huwag pumasok. Tiningnan ko ang glass flower vase na basag na basag na tumilapon sa sahig.

At mukhang hindi ito nahulog lang dahil sa nagkalat ito sa kinatatayuan nilang dalawa. Habang si Mr. Vikero na kahit nakatagilid ito mula sa akin ay halos hindi ito makahinga sa galit at tila napapamura na lang ito ayon sa pagbigkas ng labi nito.

Tila inatake ako ng kaba at kuryusidad sa nangyayari.

Hindi yata nabanggit ni Maurine na may anger issue pala si Mr. Vikero?

Umupo na lang ako sa table ko at panakaw-nakaw ng tingin sa kanila na mukhang kumalma na si Mr. Vikero kahit wala pang ilang minuto. At mukhang seryoso ang usapan nila ni Felicio dahil sa tila pinagdidiinan ni Mr. Vikero ang bawat sinasabi nito sa kaniya.

Nagkainitan ba sila?

Mabilis akong tumayo at kumuha ng panlinis bago sinalubong si Felicio na lumabas ng opisina nito.

"And what's wrong with the executive elevator? It's fucked up!" dinig kong saad ni Mr. Vikero bago sumara ang glass door na nagsi-seperate sa office namin.

"Bad day. Huwag ka mag-alala, ako na bahala kay Mr. Vikero. Ipapalinis ko na lang din mamaya iyong bubog sa cleaning team. Baka masugatan ka pa kung lilinisin mo," pilit na ngiting saad nito kahit na bakas sa tono nito ang pangamba. "Pwede ka na umuwi muna, Staizy Mitch."

"May nangyari ba?" natanong ko dahil sa baka mamaya ay tungkol pala iyon sa trabaho.

"Ah, medyo nagkasagutan lang sila ni Mr. Damario. You know, problemang pamilya," alanganing sagot niya. "Sobrang malas yata ng araw mo dahil sa hindi maganda ang timplang nakita mo ang boss mo, 'no?"

Umiling na lang ako kahit totoo naman. Malas nga ang araw na ito.

Tiningnan ko si Mr. Vikero na kalmadong-kalmado ng nakaupo sa office chair nito habang naka-crossed arms ito.

Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon