Kabanata 5

454 6 0
                                    

Nabuburyong nakatayo ako sa gilid habang ang elevator ay nasa 4th floor pa lang.

Napakakupad naman ng elavator ng mga executive. Halatang kilos pangtamad ang andar ng elevator nila.

Huminga ako nang malalim na dama ko pa rin ang titig nito na mula sa likuran ko. Kaya pakiramdam ko ay bumabagal ang oras. Kung naghagdanan lang siguro ako ay baka kanina pa ako nasa opisina.

Mabilis akong napaangat ng tingin nang bumukas ang elevator door at pumasok ang sandamakmak na tao.

"Good morning po, president," dinig kong bati nila ngunit hindi iyon ang ipinagtunan ko ng pansin nang halos itulak nila ako palikod.

Kaya wala akong nagawa kundi mapaatras at pumuwesto sa likuran ngunit nabigla ako nang may mabunggo ako.

"I-I'm sorry. They pushed me," mahinang bulong ko sa lalaking kumausap sa akin kanina.

Kung kanina na halos isang metro ang layo namin ay naamoy ko na ang natural na amoy niya na tila mamahaling pabango. Pero ngayon na nasa likuran ko lang siya ay amoy na amoy ko iyon. Ngunit kahit gano'n ay hindi naman ito masakit sa ilong sapagkat natural lang ito.

Mas napausog pa ako at mas nagitgit ko siya nang may pumasok pang dalawang tao.

"You are too close, Miss," bulong nito sa tainga ko kaya humingi na lang ako ng pasensya.

Halos sumandal na ako sa katawan niya dahil sa sobrang sikip kahit na malaki ang elevator ay halos nasa labing lima kaming nagsisiksikan dito.

Akala ko parte ito ng privilege nila? Mukhang hindi naman pala.

Natigilan ako nang may maramdaman akong kakaiba sa likuran ko. Tila kung may anong matigas na nasandalan ako kaya bago pa dumumi ang utak ko ay mabilis akong humarap sa kaniya.

Inilagay ko ang dalawang palad ko sa dibdib niya upang hindi nila ako itulak at hindi ko magitgit ang supladong lalaking ito.

Napansin ko na tila namumula ang mukha niya at mamumutla. "Nasu-suffocate ka ba?" mahina at nag-aalala kong tanong.

His face are red. Kung kanina ay tinalo niya pa ang action star sa pormahan nito. Ngayon ay tila magkakasakit ito sa itsura niya na tila nahihirapang makahinga.

Hindi ito sumagot sa halip ay kung saan-saan ito tumingin para lang iwasan ang tingin ko. Kung kanina kasi ay titig na titig siya sa akin ngayon ay tila batang mahiyain na ito.

Anong nangyayari sa kaniya? May claustrophobia ba siya?

"Y-Your hands," nautal na bulong nito na hindi ako tinitingnan. "It's on my chest, Miss."

"Ayaw mo naman siguro maipit?" prangkang tanong ko sa kaniya na mukhang naunawaan naman niya kung bakit nakahawak ako sa dibdib nito upang hindi matulak ng mga taong nasa likuran ko.

Habang ang mga taong iyon ay wala man lang napapansin na may naiipit na sa likuran nila at nag-uusap-usap lang sila ng kung anu-ano.

Pero natigilan ako nang medyo makapa ko ang dibdib nito na may pagkamalaki at matigas. Halatang babad sa gym ang katawan niya.

Wala tuloy akong choice kundi titigan na lang ang mukha niya kaysa titigan ang dibdib nito.

Pero ngayon namang tinitigan ko ang mukha niya ay mas gwapo pala ito kaysa kanina na napasadahan ko lang ng tingin. Tila nasa perpektong ratio ang mukha nito lalo na ang makapal nitong kilay na dumadagdag sa magandang hulma ng mata niya at brown eyes niya. Habang ang matangos nitong ilong at ang natural na kulay ng heart-shape lips niya. Pati ang kutis niya na mas makinis at maputi kumpara sa akin.

Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon