Kabanata 34

335 3 0
                                    

WARNING: This chapter contains mature scenes and profanities. Please beware and read at your own risk.

 Please beware and read at your own risk

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•••

Tila walking distance lang ang layo nang mansyon nila Mr. Levi. Dahil sa pagkaikot sa isang kanto ay nakarating na agad kami ni Caleb.

Pareho kaming nakapormal attire ni Caleb. Nakasuot ito ng paborito niyang kulay at damit. Iyon ang black suit with red tie. Habang ako ay naka-off-shoulder beige dress with black heels.

Sobrang laki nang mansyon nila Mr. Levi. May outdoor swimming pool din ito at naka-dark glass ang halos wall nang first floor ng mansyon nila. Idagdag pa ang samu't saring sasakyan nila sa labas.

"He was a multi-billionaire," saad ni Caleb na ikinatango ko. "They are the richest family in La Castellano, followed by us and the rest."

Sinundan namin ang security na sinamahan kami papuntang main door. Sinalubong kami nang isa pang security. May mga lahi ito dahil sa ibang lenggwahe rin ang gamit nila.

"Êtes-vous, M. Vikero? (Are you, Mr. Vikero?)" bungad nang security sa amin.

"Oui, je le suis. Nous sommes ici pour M. Levi. (Yes, I am. We are here for Mr. Levi.)" tugon ni Caleb.

Naiwan tuloy ang panga ko sa ere dahil sa direkta at batikan na kinausap ni Caleb ito. Anong language naman ang gamit nila? French? Italian?

"D'accord, veuillez attendre ici, M. Vikero. (Okay, please wait here, Mr. Vikero.)" saad nito na tila may idiniin sa tainga niya at may kausap dito. "C'est confirmé. Vous pouvez entrer maintenant. (It's confirmed. You can come now.)"

Ginabayan nang dalawang security si Caleb na pumasok na. Ngunit nang susunod na ako sa loob ay pinigilan nila ako. Hinarang nila ang kamay nila sa tapat ko kaya nagtataka akong tiningnan sila.

Tatawagin ko pa sana si Caleb ngunit tuloy-tuloy itong pumasok sa loob at may matandang lalaking sumalubong agad dito. Hindi na ako nito napansin lalo na nang isara ng dalawang security ang slide door.

"Attendez. Êtes-vous avec M. Vikero? Puis-je connaître votre nom et votre relation avec lui? (Wait. Are you with Mr. Vikero? May I know your name and relation to him?)" tanong nang lalaking security dahilan nang pagkataas ng kilay ko.

Hindi ko alam na mapapasabak pala ako sa pinoy henyo ngayon. Hindi tuloy ako nakakibo agad dahil hindi ko alam paano ito kakausapin.

"I don't understand you, but I'm Mr. Vikero's personal secretary," taas-noong saad ko rito ngunit mukhang hindi ako nito nauunawan dahil sa kumonsulta pa ito sa kasama niya.

"Le secrétaire n'est pas autorisé à entrer. Vous pouvez attendre ici. (Secretary is not allowed inside. You can wait here.)"

Tiningnan ko ang kasama nito na kinunsulta nito pero nagkibit-balikat ito. Mukhang nakakaunawa ito ng Ingles ngunit hindi yata nakakapagsalita.

Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon