Natataranta akong tinahak ang daan palabas ng gusali. Hindi ko alam kung bakit tila binulusok ako ng kaba dahil lang sa simpleng tawag ni Tita Tonia. Hindi ko batid kung bakit. Subalit nagmamadali ito at ang tanging sinabi lang sa akin ay puntahan ko ito agad sa hospital.
But how am I supposed to get back to La Castellano in just a minute? When it takes hours to go there all the way here from the main city.
Mabilis akong pumara ng taxi ngunit hindi ito huminto nang senyasan ni Caleb ito. Nakalimutan ko na tinakbuhan ko lamang pala ito sa loob matapos kong makausap si Tita Tonia.
Pumara na lamang ako muli ng taxi ngunit hinarangan ako ni Caleb at nakipag-unahan pa sa akin na magsalita.
"No, thank you! She doesn't need a ride," singit nito na siyang ikinaalis ng taxi at ikinataas ng kilay ko.
"What's wrong with you?!" galit kong tanong na imbes na kanina pa sana ako nakasakay ay humaharang ito.
"I told you I want to take you home. Stay there, baby. Don't move!" saad nito at sumenyas sa akin na manatili sa kinatatayuan ko habang ito ay lakad-takbong tumawid upang kunin ang kotse nito na sa kabilang kanto pa yata niya ipinarada.
Agad akong napailing nang muntik na lumambot ang puso ko sa huling sinabi nito. Yes. Nakinig nga ako sa kaniya pero hindi ibig sabihin no'n ay pinatawad ko na siya at okay na ulit kami. I'll never be okay. I'm sure mahabang suyuan ito.
Hindi pa ito nakakalayo ay pumara na ako muli ng taxi. Nginisian at bahagya ko itong kinawayan no'ng lumingon ito muli sa akin bago ako mabilis na sumakay.
"Staizy!"
Agad kong tinapik ang taxi driver upang magmaneho agad. Nasilayan ko pa sa side mirror kung paano nito habulin ang sinasakyan ko hanggang sa hindi na ito nakasunod ng nakarating na kami sa highway.
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng ginawa niya ay iniisip ko pa rin kung anong nararamdaman niya. Kung masasaktan ko ba siya? Magagalit ba siya? Bakit gano'n? Bakit madali lang para sa akin na tanggapin lahat kahit na alam kong hindi naman na tama para sa akin? Gano'n ba talaga kapag nagmamahal ka? Nababaliw ba kumbaga.
"Asawa mo?" biglang tanong ni Manong Driver na malungkot kong ikinailing.
"P-Past love," nagaralgal na boses kong sagot.
"Naghiwalay ba kayo, hija?" tanong nito na ikinabagsak ng luha ko at umiling na lamang bilang tugon.
Hindi kami naghiwalay. Walang nangyaring hiwalayan. Pero hindi na ito nagparamdam ng matagal kaya gano'n na siguro iyon. Pareho lang siguro 'yon.
Napapikit ako na kinumbinsi ang sarili ko na isantabi ko muna ang tungkol kay Caleb. Kailangan ko muna makabalik sa La Castellano. Pinatay ko na lang ang mga tawag nito at gayon din ang phone ko.
Lagpas alas dose na rin no'ng lumapag ang eroplano. Ayon ang pinakamabilis na transportasyon pabalik sa La Castellano. Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit kahit na mukha akong dieciocho na naki-party sa siyudad at umuwi ng madaling araw na walang paalam.
Pagkarating ko sa hospital ay sakto namang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Medyo nabasa pa ako ngunit madaraan naman ito sa kaunting punas. Habang ang mga tao kanina na kasama ko pa tumakbo upang sumilong dito sa bukana ng hospital ay tila bulang naglaho na lamang.
Mag-isa na lamang tuloy akong nakatayo rito sa labas. Nagpapatuyo habang binubuhay muli ang phone ko upang tawagan si Tita Tonia. Ngunit bigla akong napatigil nang tila nahawaan ako ng kalungkutan ng kapaligiran. Sobrang dilim kasi ng lugar dahil bukod sa gabing-gabi na ay makulimlim pa. Nakakaginaw din ang simoy ng hangin o marahil dahil lang sa suot kong bestida.
BINABASA MO ANG
Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)
RomanceStaizy Mitch Claveria decided to move to La Castellano because of the sponsorship offered for her mother's medical treatment. She applied to be the new personal secretary of Caleb Dale Vikero because of her financial status. Caleb is the most pruden...