Matapos ang nangyari kahapon ay hindi ako pumasok ngayon dahil sa tila magkakasakit ako sa isip kakaisip sa ginawa niya sa akin.
Agad akong bumalikwas sa higaan matapos nang halos ilang oras kong nakatitig sa kisame.
"Kahit sino naman na gano'n ang gawin niya ay ganito rin ang magiging reaksyon," tangang saad ko sa sarili at nginudngod ang mukha ko sa unan na tila nasisiraan na ako ng bait. "Oh, God! Anong nangyayari sa akin?!"
Hindi ako ito. Hindi ako mabilis magkagusto. Hindi ko siya gusto. Nagkakagano'n lang siya dahil sa ako lang ang babaeng magaganun niya.
"Holy shit. Bakit ba ang init-init?!" galit kong tanong at pinalakasan ang electric fan.
Pero kahit anong palakas ko sa electric fan ay hindi mawala ang init sa buong katawan ko. Hindi iyon dulot ng init ng panahon dahil sa mahamog na ngayong gabi. Dahil ang init na iyon ay tila mula sa loob ng katawan ko.
"I-Is it my sex hormones?" hindi makapaniwalang tangang tanong ko at napatakip ng bibig. "What did he do to me? He woke up my sex hormones?"
Dahil lang inamoy niya ako kaya tumaas ng ganito sobra ang desire ko sa bagay na iyon? Heck no. Hell no.
Totoo nga ang sabi-sabi? Na kapag pumasok ka sa bahay ng lalaki ay hindi na ikaw iyong exactly na ikaw kapag nakalabas ka.
Ewan. Hindi ko alam. Tama na kakaisip sa kaniya, lahat ng bagay tungkol sa kaniya.
Gusto ko magalit dahil sa hindi ko magawang buksan ang phone ko dahil sa panay ang tawag ito sa akin kaninang umaga. Hindi ko rin tuloy magawang makausap si Alezia at humingi ng tulong dito.
"Magre-resign na ako," wala sa hulog na sambit ko ngunit humiga ako muli ng hindi ko pwedeng gawin iyon. Dahil wala na akong mapapasukang kompanya na kasing ganda ng Vikero Group. "Baka naman assumera lang ako? Baka naman gusto niya lang din iyong amoy ko tulad ng gusto ko rin iyong addictive smell nito?"
Napatigil ako nang may biglang kumatok at pinagbuksan ko ito. At saka mabilis na inayos ang sarili kong hinarap si Tita Tonia na mukhang kakauwi lang.
"May kausap ka? Naririnig kitang nagsasalita kanina pa," nagtatakang saad nito na ikinailing ko agad.
Kausap ko ang sarili ko. I'm on the process of self-discipline.
"W-Wala po, may kinakabisado lang akong report para sa meeting bukas," mabilis kong saad na ikinatango niya. "Nagluto pala ako, Tita Tonia. Hindi pa po ba kayo kumakain?"
"Sakto at hindi pa ako nakakain. Kumain ka na?" balik nitong tanong.
"Kumain na po ako. Magpapahinga na lang po dahil maaga rin pasok ko bukas."
"Gano'n? Oo nga pala, bakit hindi ka pumasok ngayon? Nakabihis ka na kaninang umaga, hindi ba?" nagtataka nitong tanong habang inihanda ko ang kanin at ginisang munggo.
"M-May emergency po kasi iyong boss ko kaya hindi na nito ako pinapasok," pagdadahilan ko.
"Nilalagnat ka ba, Staizy?" nag-aalalang tanong ni Tita Tonia at kinapa ang noo ko. "Naulanan ka ba? Baka naman labis mong ini-stress sarili mo sa trabaho."
Umiling ako agad at kinapa nito ang noo ko na tila may sinat ako. Ngunit imbes na mag-alala ako ay napangiti pa ako.
Hindi dulot ng sex hormones kaya ako naiinitan ng sobra kundi dahil may sinat ako sa loob.
Hindi ako nakatulog nang maayos hanggang sa sumapit na ang ala sais ng umaga at kailangan ko na namang pumasok. Ngunit mas lumalala lang yata ang bigat na nararamdaman ko nang makarating sa opisina.
BINABASA MO ANG
Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)
RomanceStaizy Mitch Claveria decided to move to La Castellano because of the sponsorship offered for her mother's medical treatment. She applied to be the new personal secretary of Caleb Dale Vikero because of her financial status. Caleb is the most pruden...