Kabanata 48

48 3 0
                                    

Lumipas na yata ang ilang oras ngunit hindi ko pa rin kinakalabit ang gatilyo. Hindi ko batid kung bakit hindi ko maigalaw ang daliri ko. Mas inuna ko pang umiyak. Nauna pa ang luha kong kumawala kaysa sa bala.

Tila nawala ako sa sarili habang mahigpit na hawak ang baril na nakatutok sa likod ng ulo nito. Sobrang tahimik ng bawat sulok ng kuwarto nito na kahit kuliglig ay 'di mo maririnig. Tanging ilaw lang ng modernong lampara ang nagbibigay liwanag sa buong kuwarto niya. At ang malamig na simoy ng hangin pati ang malamig na hangin mula sa aircon nito ang dahilan kong bakit pinagpapawisan ako ng malamig.

"If you remain silent, I'll let you sleep in peace. But if you make any noise, I'll make sure that you will continue sleeping at the grave," mahinang bulong ko sa hangin na hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak ko sa baril.

Hindi ko alam kung bakit kumikirot ang dibdib ko. Kung bakit tila sumasakit ang puso ko na tahimik na nakatingin dito.

Kung batid ko lang ang kasinungalingan nito. Sana pala hinayaan ko itong bangungutin noon. Noong una itong binangungot sa kuwarto ko. Edi, sana ay hindi ko kailangang gawin ito sa kaniya ngayong araw.

Bahagya akong kinabahan nang bahagya itong huminga nang malalim. Tila nararamdaman na nito ang bigat ko sa likuran niya. Tila ilang sandali lamang ay magigising na ito at mawawalan na ako ng pagkakataon upang singilan siya.

I will never forgive him. But I hope he forgives me sa gagawin ko sa kaniya.

Idiniin ko sa ulo nito ang nguso ng baril. Kumbinsido na upang bawian ito ng buhay tulad ng ginawa niya sa akin

Bahagya akong napangisi nang magsalita ito ngunit nawala agad 'yon no'ng marinig ko nang buo ang sinabi niya.

"H-Hmm? I-I'll accept any gender basta sa akin galing. T-Tayo ang gumawa."

Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ko maiwasang hindi lumuha habang inaalala ang araw na sinabi niya 'yon. Tinanong ko ito noon kung anong nais nitong kasarian ng magiging anak namin ngunit wala itong ibang nais kundi basta mula sa matris ko.

"D-Don't talk," umiiyak na utal kong sambit. "I-I don't want to kill you."

"I-I love you, Staizy," pagsalita nito muli na siyang ikinahikbi ko.

Bakit gano'n? Bakit hindi ko magawa? Hindi ko na kaya na may isang mahal sa buhay ko ang nawala. Paano na lang kung dalawa pa?

"S-Sorry, Staizy... I-I'm really sorry."

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa iniungol nito. Hindi ko alam kung bakit sobrang bagsak na bagsak ang tono niyang 'yon.

Dali-dali akong umalis sa likod nito upang makalanghap ako ng hangin. Napaupo na lamang ako sa lapag dulot ng panghihina ng tuhod ko habang tahimik na humagulgol.

It's not ordinary. The pain. It really hurts. Why does it hurt so much? Pero isang paghingi lang ng tawad nito ay tila nanumbalik lahat ng masasayang mga memorya ko kasama siya. Naalala na lang bigla ng isipan ko kung paano ko siya unang nakita. Kung paano ito ngumiti nang puro.

Bago pa ako lumikha ng ingay at magising ito ay mabilis akong nagdamit at lumabas sa kuwarto nito. Halos manlabo ang paningin ko sa sobrang daming luha na ang inilalabas ng mata ko. Nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko ngunit hindi dahil sa galit kundi sa sakit.

Why do we need to be like this? All I want is to be loved. All I want is to love him! Bakit ba kasi siya? Bakit si Caleb pa sa dami-daming tao sa mundo? Bakit iyong taong mahal na mahal ko pa?!

Napatigil ako sa pag-iyak nang mapatigil ako sa gitna ng hagdanan. Tila may kung anong kirot ang lumatay sa pribadong parte ko.

Bago pa ako magkalat ay mabilis akong pumanaog at nagtungo sa banyo. Mukha akong tanga na umiiyak habang nagpupunas ng dugo. Tila mas masahol pa ako sa magnanakaw na inubos ko lahat ng toilet paper nito na nirolyo ko at ginawang pad upang 'di kumalat nang husto ang dugo sa suot kong itim na pantalon.

Captivated By The Prudent Billionaire (La Castellano Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon