Nasa High School ako nang makaranas ako ng mga ganto.
yung tipong Magugustuhan ka ng mga engkanto or matutuwa sila sayo.
----
May dumating na isang lalaki sa lugar namin at kamag-anak iyon ng ninang ko at kakilala ng lola ko.
kinausap ito ni nanay para kamustahin
habang ako ay nagiintay sa likod ni nanay.
biglang nabaling saakin ang tingin ng lalaki.
muka itong nasa 50+ ang edad
"apo mo to rose?"
"ahh Oo si Mae yan"
"Ang gandang bata ah lalo na kapag nagdalaga to"
"Maganda talaga yan"
ngumiti nalang ako.
"Mukang pati engkanto magugustuhan to,muka syang nabati"
"huh nabati?" tanong ng lola ko. ako rin ay nagtaka.
sa lugar namin hindi imposibleng magkaron ng ganyang bagay kahit nasa moderno nang panahon.
lalo't puro puno ang nasa paligid.Probinsya ito na parang syudad din.
"Ang pungay ng mata nya at sa tingin ko hindi malayong nabati sya ng kung ano dahil nararamdaman ko.teka rose kumuha ka nga ng bowl at kandila ipapakita ko saiyo"
"ahh teka .mae bili kang kandila"
inabot saakin ni nanay ang pangbili at pumunta naakong tindahan.
pagkabalik ko ,nakapwesto na sila doon malapit sa manggahan.
yung mangga nayun eh yung nasa Series #2&3.
lumapit ako doon at may nakahanda ng bowl.
"Umupo kajan iha" sabi saakin ng lalaki
umupo ako sa upuan doon.
may pinahawak sya saaking isang palito ng posporo at nilibot nya sa akin ang kandila.
inutusan nya rin akong sindihan yung kandila gamit ang palitong binigay nya saakin.
nang sindihan kona ito.nagsimula na syang ipatak iyon sa tubig.
pagkatapos nayon ay itinaas nya iyon.
"Isang matangkad na lalaki ang nakabati sayo,siguro ay nagandahan"
ang sabi nya.ngunit hindi nya sinabi kung tao ba ito o ibang nilalang.
"ilagay mo ito sa puson mo tas mamayang alastres sunugin mo"
kinuha konayun at inipit sa pusunan ko.
"Ok lang yan kahit mabali"ang sabi nya .nakita nya kase akong nagaalangan na baka mabali.
"Dito sa punong to may nakatira.Hindi sya gaanong mabait,wag nyo lang iistorbohin o papakealaman para hindi magalit"
sabay turo nya duon sa mangga na kalapit namin.