S#21

887 16 4
                                    

May 2016 (Dream)

Napaka Gulo.......
May mga tao akong nakikita pero hindi ko kilala..

Pumunta kami sa isang lugar kung saan daw kami magbabakasyon.
Kaibigan ito ng isa sa pamilya ko.Masyadong magulo ang pangyayare.

nakatayo ako ngayon at tinititigan ang mga building na nasa harapan ko.
Napakaluma ng disenyo neto at paupahan sya,
tila para bang pumunta kami sa panahon kung saan yung mga bintana gawa pa sa kahoy. nakakaamaze lang kasi may tumagal pang ganung building. Malaki ito at madaming kwarto.

Kasama ko si jhay,nilibot namin itong buildings.Napaka Cool kasi parang pumunta kami sa panahon ng mga kastila.

Sa paglilibot namin, May babaeng pumukaw sa atensyon ko.
Hahabulin ko sana kaso pinigilan ako ng pinsan kong si talyah.
Baka daw mapahamak ako..hindi mawala sa isip ko yung babae, hinahunting ko sya sa isip ko. Gusto ko syang habulin kaso ayaw din akong samahan ni jhay.

palakad lakad ako wala akong ginawa kundi mag lakad, unti-onti nang umaalis ang mga tao sa building na ito pero ako lakad lang ng lakad.inaaway na ako ni jhay kasi ayoko pang umalis.

hanggang sa nadinig kona ang tunog ng alarm ko.

-------

---------
July 2016 (Reality)

may monthly check-up ako kaya'y Umalis kami ng napakaaga papuntang pasig.

pero ang gusto kong ikwento dito ay yung moment nung pauwi na kami.

Ngayun ang direkyon ng byahe namin ay papunta atang makati.
Not sure,Eto atang dinadaanan namin ay pasay.Not sure.

Hindi ako masyadong nakikinig sa mga kasama ko sa kotse kung nasaan na kami.
Basta ako ineenjoy ko ang view sa labas.

syempre ang traffic parang love!
hindi naiiwasan.

kasalukuyan akong nakatingin sa kaliwa ko nun,dahil tinatanaw ko yung parang ilog doon at isang construction site.Ang bagal ng usad ng mga sasakyan.
Nang nakausad na kami ng malayo layo,napansin ko yung isang building doon na kulay brown,malaki sya.pero ang nakakaamaze dun ay yung disenyo nya na pang sinauna.
habang umuusad kami, duon lang ako nakatingin, tinitingnan ko yung bawat bintana, mga kahoy iyon.
iniisip ko na parang ang init dun kasi ang kipot nang bukas ng mga bintana.
Hindi pala isa iyon.Nakita kona may kasunod papala ito at helehelerang mga building ang nakatayo duon pero iisa lang ang disenyo. kaso yung ibang bintana ay mga salamin na at yung iba ay may aircon..

iniisip ko na parang nakita ko nayung building nayun..

naAmaze nanaman ako sa Pangalawang pagkakataon.
nakapag Travel nanaman ako sa pangalawang pagkakataon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True HORROR storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon