eto ay nangyare noong 2005 or 2006 pa.
hating gabi na pero hindi padin kami natutulog ni mama at ng papa ko at sa labas ng bahay ay may duyan .
lumabas si papa para mag duyan at sumunod ako kinekwentuhan nya ko ng nakakatakot .
umupo ako sa tiyan nya habang nakahiga sya sa duyan.
nung andun padaw sila sa probinsya nila sa albay magkakasama silang natutulog sa isang maliit na kubo.
mahimbing daw syang natutulog nun nang may yakap daw sakanya ng yakap, ilang beses nya daw itong tinatanggal pero balik daw ng balik ..
napagpasyahan nyang kapain kung sino ang yakap ng yakap sa kanya, kinakapa nya iyon ,mabalahibo daw ito at ng makapunta na daw sya braso laging gulat nya daw ng wala na syang makapa.
sa takot naihagis nya daw ito ,,hindi nya alam kung saan na ito napunta , nasa dulo daw sya na malapit sa dingdingan ng kubo at kita nya dito na may butas.
kinilabutan sya at hindi na sya nakatulog.
at sa pagtapos ng kwento nya may naamoy kaming sunog na buhok sobrang baho neto ,amoy na amoy namin .
sa kalagitnaan ng gabi may magsusunog ng buhok,
"pumasok nalang tayo at may nangkukulam ata "
ang sabi ng papa ko kaya agad akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay.