Alam mo Bang Lagi akong puyat sayo .
yan ang sabi ng asawa ko habang kami ay kumakain.
"Bakit naman ?" Pagtatanong ko.
"Kase bigla bigla ka tatawa sa kalagitnaan ng gabi."
"Siguro kase nakakatawa yung panaginip ko."
"Gigisingin kita,Tas pag Gising kana tititigan mo Lang ako."
"Ganun ?.Bakit hindi ko alam yun." Blanko sa isip ko ang kinikwento ng asawa ko.
"Oo,kinakausap nga kita pero nakatingin kalang saakin tas tatalikod kana para matulog ulit."
"Hmmm Hindi ko talaga maalala yun." Talagang Blanko sya Sa isip ko.
"ikaw na nga lang binabantayan ko eh."
"Hindi nayung Magnanakaw na papasok dito sa bahay ?" Birong sabi ko.
"Pareho kayo,Pero mas nakakatakot ka eh,Bakit mo kaya ako lagi tinititigan ?,kase nagugukat ako tuwing haharap ka sakin kapag mag iiba ka ng pwesto sa paghiga,makikitang dilat ka at nakatitig lang sakin.Minsan nga gusto kong itanong na kung ikaw ba talaga yun eh kaso natatakot ako.Mamaya baka iba sumagot eh. Alam mo bang Sa tuwing tinititigan moko ang tinatanong ko nalang ay bakit, tas dun kana matutulog ulit."
yan ang kwento ng asawa ko. sa totoo lang umaga umaga nya sakin tinatanong kong naalala ko ba yung mga nangyayare kapag natutulog kami.
pero blanko talaga ang isip ko sa tuwing itatanong nya un.------------------------ ------------------------ ------------------------ ------------------------ ------------------------ ------------------------ ------------------------ ------------------------
Sana nagustuhan nyo ang bagong update nayan.
Short lang yan kase yan lang ang natatandaan ko sa dami ng sinabi ng asawa ko.
Sorry sa matagal na update.