Series #9

3.8K 83 4
                                    

December 2014

Death Anniversary ng papa ng Boyfriend ko.

Dahil May problema ang boyfriend ko sa Panganay na ate nya ,napagpasyahan nyang pumunta nalang sa tatay nya ng gabi dahil sigurado syang maguuwian na yung mga kapatid nya.

habang nagpapalipas ng oras at iniintay ang isa pa nyang ate na ituturing na bunsong ate sa magkakapatid at ito din ang kasama nya ngayon sa dorm na tinitirhan nya ngayon. namasyal masyal kami at tumambay sa condo nya kasama ang iba naming barkada.

dumating ang ate nya ng mga 5 pm .

nagbihis lang ito at nagyaya nang umalis.

kaming tatlo lang ang pupunta sa papa nya,

umuwi nadin ang mga barkada namin.

pumunta kami ng sakayan,pero mukang matatagalan kami bago makasakay.

pero sa tinagal ng pagiintay namin eh nakasakay na kami,masyado ng dumidilim.

nakarating kami sa sementeryo ng mga 8 na.

walang katao tao .

nakarating na kami kung saan nakahimlay ang papa nila.

sinimulan na nilang kausapin ito at ipaalala ang mga nangyare sakanila, mga masasayang nangyare sa kanila.

habang nagkekwento sila,ginala ko muna ang paningin ko.

merong kakalibing palang sa kalapit nito,at may hukay din sa kabila.

yun lang ang tanging baon nila,hindi sila nakapag sindi dahil hindi nakabili ng kandila.

papaalis na kami.

habang naglalakad inakbayan ako ng boyfriend ko.

"ang tahimik mo ah" puna nya saakin

ngunit ngiti lang ang binigay ko sakanya.

lumingon ako sa likod para tignan dereksyon ng papa nila.

pero hindi maalis ang tingin ko sa direksyon na iyon.

"ohh mahal ano yan? maynakikita kaba? napansin ko din kase yan kanina pa" napatingin nalang ako sakanya.

"hala jayyy ano yun?" tanong ng ate nya na maytakot sa pananalita.

"mamaya na ate pag nakalabas baka kase kumaripas kana jan"

sagot ni Jay.

papalabas na kami at sinimulan ng sabihin ni Jay ang nakita nya.

"kase ate ng papaalis tayo tumingin pako dun kaso mukang may nakatingin din sa atin.hindi ko alam kung si papa yun o yung bagong libing dun basta parang hugis tao sya"

so hindi guni guni ang nakita ko.

"malaking lalaki sya no mahal" Dagdag ko sa sinabi nya. Dahil nakita ko rin ang korte nya Napaka tangkad na lalaki na mukang 6'ft ang taas na mejo malaki ang pangangatawan.

"eeeee???? tara bilisan na natin gusto ko ng umuwi" Tugon ng ate nya na natatakot na.

Hmmmm,Sino nga ba yung Lalaki naun? Si papa ba o yung bagong libing doon.

True HORROR storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon