Sa Skwela.Nasa 2nd yr level palang ako.
"Jess,pahingi pulbo"
sabi ko sa kaibigan kong si jessa.
binigyan nya ako .
nilagay ko ito muna sa muka at pagkatapos sa leeg.
Dalawang subject nalang at uwian na.yehey makakauwi na ako.
ito ang mga paborito kong part.
ang kati ng leeg ko.kinamot ko lang iyon.
hindi ko sya masyado pinansin.
hanggang sa masyado na itong makati.
hanggang braso ko ay makati.umiiyak na ako sa kati.
"Mae ang pula mo ah anong nangyare sayo?"
puna saakin ni chellzy.
"ang kati p*ta!"
"hala umuwi kana.tignan mo sarili mo"
kumuha sya ng salamin.
grabe bang pula na ng balat ko pero wala manlang akong pantal.
"bakit kaya ang kati tae ayoko na gusto ko nang umuwi"
"tara magpaalam tayo grabe nayan eh"
wala naman akong allergy. pero bakit ganto.
pumunta kaming Faculty kung nasan ang adviser namin.
"Maam excuse po"
bungad ko sakanya
"Oh bakit ang pula mo?"
"ahh maam hindi ko din po alam eh,hindi konapo kaya yung kati kung pwede po sana uuwi na ako"
"Ngayon kapalang bumabawe sa klase at aabsent kananaman?"
Aba -_- G*go to ah. Kating kati na nga ko. tsk pag d mo ako pinauwi ,sana mahawaan ka.
lagi nalang syang ganyan kahit masama ang pakiramdam ko...."eh hindi ko naman po alam na magkakaganto ako eh"
"Sige sige umuwi kana at baka lumala payan"
pumunta ulit kaming Room at kinuha ang bag ko at nag excuse sa nagtuturo doon.
sumakay agad ako ng tricycle .
pagkauwi sa bahay ay nagpalit agad ako at kumain.gusto kong itulog to.
pagkatapos kong kumain ay dumating ang lola ko na mukang kakatapos lang mag sugal,dahil nakabusangot sya at mukang natalo.
"ohhh anong nangyare sayo Ang pula mo"
"hindi ko nga po alam nay ang kati nya sobra"
"baka na higad ka bili ka suka tas ipaligo mo"
binugyan nya ako ng pera para bumili.
pumunta na akong tindahan
maski tindera ay napuna ako.
pagkauwi ko agad akong pumuntang cr at naghubad.
pinahid ko sa buong katawan ko iyong suka.
sobrang hapdi.
ansarap sa pakiramdam.
pagkatapos nun at nagbihis ako.bawal daw kasing anlawan yun.
grabe ang asim sakit sa ilong.
humiga ako sa mahabang upuan na nandun dahil bawal ako sa kama.
natulog ako. pero hindi din nagtagal sobrang nangati nanaman sya.
ala otcho na ng gabi.
"Nayyyyyyy!!!!"
sigaw ko .
"Oh bakit?"
"Sobrang kati nanaman ohhh"
"ayy nako naman ,mag tsinelas ka may pupuntahan tayo"
sinunod ko yung sinabi nya at lumabas kami ng bahay.
tsk amoy suka ako badtrip.
may pinuntahan kaming bahay na hindi naman gaano malayo saamin.
kumatok sya dito.
"ohh rose gabi na ah bakit?"
"Neng patingnan naman netong apo ko kanina pa nangangati"
"aba sobrang pula na nyan ah,bili ka kandila"
umalis si nanay at bumili ng kandila.
wow iniintay kong utusan nya ako para doon.
"halika umupo ka muna dito"
pumasok ako at umupo dun.
"Ang asim ano yun?"
sabi ng bata doon.
Nahiya ako kase ako yun dahil hindi na paako nakapag anlaw.
dumating na si nanay namay dalang kandila.
tinanong neto ang pangalan ko.
lumapit eto sakin hinawakan ako sa noo at may pinahid na langis sa likod ko.
pumunta sya sa altar na tatlong santo ang nandun.
ang black nazaret
Sto.ninyo
at maliit na virgin mary.
maya maya rin ay lumapit sya saamin kasama iyong nabuo ng kandila.
"puting mga duwende,tatlo ito"
pinakita saamin. hugis na hugis itong mga duwendeng ito ang liit.
"natuwa sila saiyo kaya pinaglaruan ka nila.Buti nalang hindi pula o itim ang nakapansin saiyo dahil mas malala sasapatin mo kapag itim.batiin ka kase kaya mag iingat ka kung san ka lagi pupunta"
"bakit anong pinag kaiba ng itim sa pula?"tanong ng lola ko.
"Ganto kase yan eh. ang mga puting duwende ,sila yung mapaglaro.
ang pula naman ay ang nagreregalo, at ang itim ang pinakamasama.""ayyy ganun ba,buti nalang at hindi itim."
binayaran na ito ni nanay at umuwi na kami.
mejo hindi na sya nangangati.
nakauwi na kami na sa bahay.
"mamaya mawawala nayan ng tuluyan"sabi ni lola
dumeretso nakong cr para maligo.