Series #18

1.7K 34 3
                                    

Kasalukuyan na kaming Matutulog ng aking asawa.
11 nadin ng Gabi kaya't oras na para magpahinga.

pero Hindi parin ako makatulog dahil sa sama ng loob ko.
pero si jay Tulog na.

Kanina Lang kase ay nag away kami. Lumaki yun dahil Wala din sya sa Mood.

nakatalikod ako sakanya.
may Gumugulo sa isip ko,Pero hindi about Sa Amin dalawa ni jay.Parang May nakatingin sa akin.
pero Isinawalang bahala ko lamang iyon at baka nag ha-halucinate lang ang utak ko.
Mas na ngingibabaw ang Inis sa dibdib ko pag naaalala ko yung mga sinabi nya kanina.

Ayan! Bidabida nanaman ang mga luha ko. napakaiyakin ko talaga. lagi ko syang nilalabanan pero talo talaga ko,
lalo na't pinatungan pa ng utak ko.

Umiiyak ako ng tahimik at baka magising si jay.
hanggang sa Nakatulugan kona.

blangko....
blangko....
blangko...
blangko....
blangko...
blangko...

"Mahal !-------

hmmmmm.

"MAHAL !!!------

tinatawag ako ni mahal?

"HUYYY MAHAL !! GUMISING KA !"

dinilat ko na ang mata ko.
Puro na sampal ang inaabot ko eh.

"Bakit ?" Pagtatanong ko.
anlaki ng mata nya at salubong nanaman ang kilay.

"Bakit ka umiiyak ?" Tanong nya.

"Huh ? hindi ahh!!"

"anung hindi ! eh basang basa nayung unan."

"Huh?saglit lang akong natulog? anong oras naba?"

"Mag 3 napo. Bakit kaba umiiyak?"

3? So ganun ? Hindi ba ako tumigil sa pag iyak ? weird huh.

hmmm pero aamin ba ako ? o aamin ? D ako titigilan neto eh.

"hmmm Ano kase naalala ko lang yung away natin kagabi."

"ayyy ganun ba." kumalma na siya.

Niyakap nya ko ng mahigpit at bumulong sa tenga ko.

"Sorry napo.Tara tulog na tayo ulit."

nakatulog ako agad dahil antok pa ako.
Masarap na yung tulog ko kase yakap nya ko.
.
.
.

"GoodMorning Mahal !!!!"

Bungad nya sa akin.

"Sorry po nung nakaraang gabi huh,D ko alam na dadamdamin mo yun ng ganun".

biglang pumasok sa isip ko na tanungin sya about kagabi.

"o Mahal baka naman hindi mo naaalala yung nangyare kagabi ah! ang weird mo nanaman."

naunahan nya ko. -,-

"Naaalala ko. Pero may nakakapagtaka dun eh."

"ano po yun ?"

"Ang alam kopo kase mahal tapos nakong umiyak bago matulog .mga 11 nanun. O baka nakatulugan ko yung pag iyak ko kase umabot ng 3 eh."

"Awwww! Sorry po ulit. Pero ano bang panaginip mo?"

Pagtatanong nya . Hmmm Blangko ang panaginip ko.

"wala bakit?."

"Kase Umiiyak ka ng umiiyak,ginigising kita. Tapik nga ako ng tapik eh Tas may sinasabi ka."

"Ano naman po yun ?"

"Hmmmm Natakot nga ako eh. Kase Baka nandito si tita kagabi ,baka binisita ako."

"hmm Ganun eh Ano po bang Sinasabi ko?"

"Hmmm ano, 'Wag! Wag ! Nakatingin si Tita !' Tas iyak ka ng iyak."

Mejo na amaze ako kase wala akong matandaan.

"Ganun po ba". tanging reply ko.

"oo eh Alam mo namang kamamatay lang nun at kahapon ko lang nalaman."

True HORROR storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon