Series #15

3.2K 65 0
                                    

"imposibleng walang mga multo jan nu" sabi ng boyfriend ko na si jay

"oo naman bukod sa lugar na puro puno madami nadin ang nakatira jan"

"tara mahal magkwentuhan tayo nakakatakot" pagyaya nya..
oo naman ako,gustong gusto ko makinig ng mga ganung istorya..
hindi ko alam kung bakit siguro ay naeenganyo ako ,pero hindi naman ako nakakakita.

"maganda din magkwento kase tignan mo ang lugar at ang oras" dagdag nya.

mag 2 am na..

umalis kami sa bahay ng 11pm para bumyahe papuntang baler,
kung saan kami mag a-outing.

"mahal diba black lady yung bantay mo ,nakita mona ba ang mukha nya? kase ako dati nakakita ako sa cr namin ng black lady ewan ko nga eh kung bat ko nakita yun at hindi naman ako nakakakita ngayun"

paninimula ko.

"anino lang kase ang nakikita ko sa bantay ko mahal"

"hmm ganun ba.. ganto kase yun mahal.. sa bahay ,yung dining area namin eh mejo nakatapat sa cr.. tapos kami lang magkakapatid dun , kakain na kami nun, umupo ako sa favorite na pwesto ko ,kung saan nakaharap ako sa cr. alam mo ba pag-angat ng ulo ko derekta ang tama ng mata ko sa cr,meron doon na black lady, brown ngalang na parang daster ang suot nya hanggang paa tas maikli ang buhok tapos yung mga mata nya nanlilisik na nakatingin saakin .siguro mga 5seconds kaming nagkatitigan.. yung sa ilalim ng mata nya na parang eyebag anlaki at sobrang itim.."

"hmmm ganun...bakit ikaw? i mean nakita mu ang mukha nya,bakit kaya" takang sabi ni jay

"siguro ay malakas sya kaya nakita mo sya,kase hindi ka naman nakakakita" dagdag pa nito.

True HORROR storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon