(A:/ kwento ito saakin ng tita ko ,nangyare ito sa aklan noong college sya.matagl tagal nadin itong nangyare,siguro mga nasa 2008 pa ito. POV nadin nya ito . )
----------
Birthday ng classmate ko isang lesbian (hindi kona maalala kung anong pangalan neto pero 'jess nalang ang ipangalan natin dito,tutal matagal nadin naman iyon.)
Nag aya itong pumunta sa kanila dahil mag hahanda daw ang kanyang lola
Pumayag naman kami,anim ang sumama saamin 2 lang ang lalaki at 1 pang lesbian na si jane ang boyfriend/girlfriend ko.
Una ay umakyat kami ng bundok at bumaba ulit ng makarating kami sa kabila neto,pagbaba namin ay may ilog doon at may bangka ,sumakay kami roon at ng makapunta na kami sa dulo ay nag sibabaan nadin kami,
Nagulat kami ng hinayaan lang ni jess na tangayin ang bangka namin,dahil hindi nya ito itinali.
"Pano kami uuwi nyan kung pinaagos mo lang ang gagamitin namin" tanong ng isa sa classmate ko na babae ..
"May iba panamang daan na hindi gagamitan ng bangka kaya wag kayong mag alala" sabi ni jess,kaya kumampante nadin kami .
Umakyat pa ulit kami paitaas dahil mukang andun na ang bahay nila,tanaw na dito sa ibaba .. 'bakit ba kase sa gantong lugar pa sila naninirahan' tanong ko nalamang sa aking sarili.
Nkarating na kami rito at pagkapasok namin eh dalawang lola nya ang nasa loob nakaupo lang ito at tumingin lang saamin,
Umupo na kami,habang tinitignan lang sila jess sa ginagawa nila..
"Jess kunin mona apo ang manok sa ibaba para makapag simula na tayo sa pagluluto " sabi ng isa sa lola ni jess at ang isa naman eh naghihiwa lang ng kung ano...
"Jess sama kami sa iyo sa baba" sabi ng classmate kong si mae
Lumabas na kami ng bahay nila,at bumaba ..
Pero laking gulat namin ng yung isang lola nya nasa baba na at kumukuha ng pananim nila...
Kanina lang nasa bahay nila iyon pero ngayon naunahan pa kami sa baba ..
"Jess anu bayang lola mo ???" Takot na tanong ng isa sa mga classmate ko.
Nangmakarating na kami sa manukan nila
Dun sinabi samin ni jess ang totoo .
"Aswang ang mga lola ko,kayo ang balak sanang ihanda sa birthday ko,pasensya na "
Nagulantang kami sa sinabi nya ...
At nag simula ng kaming mag panic ...
"Hayaan nyo tutulungan ko kayong makaalis dito,pasensya na talaga :(((( ,patawarin nyo sana ako"
May inilabas na bangka si jess,yun yung gamit naming bangka kanina
Pano yun nabalik kung natangay na yun sa ilog ..
Pero hindi na namin inisip yun ,ang makaalis kami dito yun nalang ang iniisip namin ..
---
Nakaalis kami sa lugar nayon ,at si jess hindi na nagpakita saamin..
Aklan ?, madami nga talagang aswang sa lugar ng aklan...