Series #13

3.1K 77 1
                                    

"Nay Anlamig"

bungad ko sakanya pagkalabas ng kwarto.

"huh eh ang init init nga" sabi ng ate ko.

nilapitan ako ni nanay at sinapo ang aking noo.

"wala kanaman lagnat ah bakit ka nilalamig? at tanghaling tapat"

"ewan ko pero sobrang lamig para akong nasa loob ng Ref"

"sige humiga ka muna jan baka mamaya wala nayan"

nanunuod sila sa sala at ako kahit tanghaling tapat eh balot na balot ng dalawang kumot na makapal. tsk bakit kaya ganto,pero wala naman daw akong lagnat.

maya maya'y hindi kona kaya. Sobra na kulang pa ang dalawang kumot nato.

Naglatag sila ate sa sala habang nanunuod kase hilig nila ang humiga duon.

nakisiksik ako sa kanila at niyakap sila ang init nila.

"lang ang init umalis kajan!"

saway saakin ni ate.

"andamot sobrang lamig kase ahh"

"anong sobra eh normal lang ung init ng balat mo"

"ewan ko sobrang lamig talaga."

"Nay sobrang nilalamig padin daw si mae"sigaw ni ate kay nanay.

pumunta si nanay saamin.

at kinapa ako.

"wala kanaman lagnat ah. tsk baka nabati kananaman yata .tara nga patingnan kita"

lumabas kami.pero walang talab sa balat ko ang sikat ng araw.

pumunta kami kung saan ako pinaalbularyo nung nakaraan,na nasa series 12.

bago kami pumunta dito bumili na kami agad ng kandila para direderetcho na ang pag aasikaso.

may pinahid sya ulit saakin na langis at pumunta sa harap ng mga santo.

hindi rin nagtagal ay bumalik sya sa pwesto namin.

"taong puno,nagustuhan tong apo mo rose"

"taong puno?"

we? meron pala nun.

"taong puno tignan mo eto ang ulo nya paa at kamay"

itinuro saamin isat isa. mukang hugas tao nga na may sanga sanga at ugat ugat."galing to sa puno ng mangga at madalas itong pwumesto sa unit unit kung san walang nakatira"

"ganun ba,eh eto mahilig tong tumambay sa unit sa harap ng bahay kahit hating gabi"

Oo nga parati din akong nakapwesto doon at nakahiga sa motor ng tito ko na nakaparada doon.

grabe ibig sabihin eh May kasama pala ako palagi doon..

imbis takot ang maramdaman ko eh parang nakakatuwa na exciting.

binyaran na ito ni nanay at umalis.

"nga pala nay bakit hindi natin dinadala ung mga nagagawa nya?"

"kase dadasalan nya payun at may oras din ang pagdasal nun"

True HORROR storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon