Chapter VIII:

76 5 0
                                    

RAINDROPS

-Krist-

Nakatingala lang ako habang sinusulyapan ang madilim na kalangitan. Lunes pa lamang ng hapon ay ganito na ang panahon. Mukhang uulan pa yata.

Totoo nga ang nasa isip ko. Gusto nitong makihati sa pagkaing mayroon ako kaya bukas na bukas din ay dodoblehin ko na ang aking baon. "Nahihiya ako sa'yo," prangkang wika ko habang nakatingin na ang aking mga mata kay Reniel.

"Nahiya ka pa. Damihan mo bukas, ah?" Pabirong tanong nito na binuntutan ng tawa. Hanga na talaga ako sa biglang pagbabago ng pagkatao nito. May kinalaman ba ang pagkakaroon ko ng kaibigang bampira? O baka tinakot siya ni Mathias para maging mabait sa'kin ito.

I looked straightly into Reniel's eye. Sincere ito. "Totoo bang nagbago ka na?" Tanging natanong ko na lamang. Nakanganga pa ako para ipakitang totoong seryoso ako. Ilang beses ko na ba siyang tinanong tungkol do'n? Kaninang tanghali, sabay din kaming kumain sa likod nitong unibersidad at sa puno kung saan ako binully nito ay do'n kami kumain at tumambay sandali. Ninamnam namin ang mabangong simoy ng hangin. Mabango nang dahil sa mga bulaklak na parang pinasadyang lagyan dito.

"Nakikinig ka ba?" Untag sa'kin ni Reniel.

"Ah, oo, oo," aniko kahit alam ko sa sarili kong niloloko ko lang ito.

"Seryoso?" Prangkang tanong nito.

"Sige, ano ulit 'yong sabi mo?" Sumusukong aniko.

"Totoong nagbago ako. Sinabi sa'kin ni mama na walang patutunguhan ang pagiging masamang tao ko. Kailangan ko daw maging good example dahil kung masama ang pinapakita ko, masama din ang nagturo sa'kin. At ayaw kong madamay ang mga magulang ko sa mga katangahang nagawa ko no'ng mga panahong may kamuntikan na akong mapatay." Mahabang litanya nito.

Ngayon, nababawasan na ang kaunting tsansa na bumalik ito sa dating gawain. Mabuti na lamang at naipamulat nga ng mga magulang nito na ang nakikita sa anak ay tinuturo ng mga magulang dito. Kahit na magloko pa iyan, hindi nabigyan ng magandang leksyon kaya nagawa ang bagay na iyon.

Nagising sa katotohanan si Reniel kaya nandito siya sa harap ko. Kasalo ang burger at pineapple juice na binili niya sa canteen. Nandito kami ngayon sa puno sa likod ng unibersidad. Gumawa na rin siya ng lamesa kaya nando'n ang aming mga pagkain.

Sumulyap ulit ako sa makulimlim na kalangitan. Alam kong anomang oras ay bubuhos ang malakas na ulan. I checked the time. Four thirty-three in the afternoon.

"Woah!" Sigaw ni Reniel at dali-daling binuksan ang kanyang bag. Napatingin ulit ako sa kalangitan.

"Bakit nga ba bigla-bigla ka na lang umuulan?" Taka kong tanong habang hinahayaang pumatak ang mga butil ng ulam sa aking mukha. Napangiti ako. Parang dati no'ng unang nagmahal ako ng lalaki at nasaktan ako ng super. Sinasabayan ko ang pagpatak ng ulan sa pagbuhos ng aking mga luha.

Pero iba na ngayon, 'di ko akalaing ang mukha ni Mathias ang maiisip ko habang nakatingin lamang sa kalangitang nagbubuhos ng malalakas na patak ng ulan.

"Ano ka ba, Krist? Gusto mo bang lagnatin?" Pasigaw na tanong ni Reniel habang pinapayungan ako. Ligtas naman ang aking bag dahil nasa kanya ito. Inagaw niya kanina, eh.

"Hindi ko naman gustong lagnatin. Gusto ko lang makisabay sa bawat patak ng ulan," malungkot na wika ko.

'Di ko alam sa sarili ko kung bakit nadala ako sa mga patak ng ulan. Siguro dahil sa kaisipang nahulog ang loob ko sa isang bampirang wala namang damdamin para sa'kin. Totoo ngang minahal ko siya.

Mahal ko na siya. Simula pa siguro no'ng una kaming magkita. Hinahanap-hanap na siya ng aking mga mata. Gusto kong siya lagi ang nauunang makaalam kung ano ang mga ginagawa ko sa eskwelahan. Gusto kong siya ang makatabi ko sa pagtulog kahit pa kabaong iyon.

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now