Chapter XXII:

48 3 0
                                    

CONFIRMATION

-Krist-

"Pasok na po ako inay," wika ko.

"Mag-iingat ka ha? Pero teka? Bakit naman ngiting ngiti ang batang ito? Hinatid lang ni Reniel, eh." Tila may halong kakaiba sa sinasabi ni inay.

"Inay naman. May nalaman kasi ako." Ani ko at tuluyan na ngang lumabas ng bahay.

"Naku, anak. Pumapag-ibig na—"

"Itay!" Saway ko dito.

Lumabas na ako ng pinto at saktong nandito ang maghahatid sa'kin.

"Good morning, kulit." Bati sa'kin ni Reniel.

"Good morning din," agad na pagbati ko.

"Mukhang maganda ang gising mo, ah?" Tudyo nito.

Tila naramdaman kong namula ang aking mga pisngi dahil sa tudyo nito. "Talagang maganda, nanaginip kasi ako ng gwapong prinsipe."Sabi-sabi ko.

"At ako ang prinsipeng iyon na ilalayo ka sa masakit na kahapon." Dugtong nito.

"Ilayo? Kasama ko nga ang sakit ng ulo ko," aniko at tumawa.

Nag-iba kaso ang itsura ng lalaking ito. Bigla na lamang nanlumo na parang hindi maintindihan. "Iniinsulto mo ba ako?" Tanong nito na may masamang titig.

"Kung naiinsulto ka, insulto nga," aniko at binuksan ang pinto ng kotse nito.

"Hep, hep!" Saway nito sa'kin at may pagpalo pa ng kamay.

"Bakit na naman?" Kunwari ay iritadong tanong ko.

"Gusto mo ko magmukhang driver mo?" Tanong nito.

Muli akong napalingon sa passenger seat. Mamumukha nga talaga siyang driver ko na nakikita sa mga pelikula.

"Pasensya na," aniko at umikot sa kabila. Pero nagulat ako ng unahan ako nito at buksan ang pinto sa tabi ng driver's seat.

"Ako ang magda-drive?" Takang tanong ko.

"Kung hindi lang talaga kita gusto, Krist, ibinalibag na kita,"anito at napabuntong hininga. "Pinagbubuksan ka lang po ng pintuan." Kalmadong wika nito.

Marunong naman ako makiramdam. At naramdaman nga ng puso ko kani-kanina lang ang pagiging sweet at gentleman nito. Napangiti na lamang ako sabay pasok sa loob ng kotse.

Gusto niya pala ako. Silang mag-pinsan pala. Hindi ko akalain na pati ang pinsan nitong si Jake ay magkakagusto sa isang tulad ko. Hindi ko pa nahihingi ang dahilan kung bakit kaya palaisipan pa rin sa'kin kung totoo ang mga nararamdaman ng mga ito para sa'kin.

Nilingon ko si Reniel, pinagtapat sa'kin kagabi na gusto ako nito. Biglaan at nakapagtataka kung bakit parang nagmamadali itong magsabi.

Ito rin ang naghatid sa'kin ng gabi dahil daw baka mapahamak pa ako. At eksakto namang pagkababa ko ay siyang pagbungad ng mukha sa'kin ni Jake. In all fairness, natagpuan niya ang bahay namin nang walang nakakaalam.

"Anong bumabagabag sa isip mo?"

Napatingin na lamang ako sa katabi ko na nakatingin sa harap. Alam kong ako ang kausap nito dahil iniabot nito ang cellphone sa'kin.

"Ahmm, wala naman." Aniko na lamang ay ngumiti ng matamis. Ayaw kong ipahalata na mayroon ngang gumugulo sa isip ko.

"Nga pala, uuwi na ng state si Jake." Anito.

Napatingin na lamang ako sa harap habang binabagtas nito ang patungong unibersidad.

"May nawawala," untag ko sa katahimikan.

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now