Chapter XVIII:

46 2 0
                                    

PART 2: NUMBER 18

"18. You don't need to fly up in the sky,
Just try looking to your side.
You will see that someone here loves you."

Pilit kong inikot-ikot ang kapirasong papel na ibinigay sa'kin ni Lucas kahapon ng hapon. Hindi ko kasi mabasa 'yung linyang sinabi niya sa'kin kahapon kaya pilit kong iniikot-ikot iyon sa kung saan.

"Kahapon pa talaga kita tinatanong kung ano ang sinabi sa'yo nang Jake na iyon," ani ng kasama ko na si Reniel.

Kanina niya pa inuulit-ulit ang tanong na iyon pero hindi ko iyong masagot dahil ayaw ko namang magkaroon ng issue with that kind of person, 'no? Kaya sinara ko na ang aking tainga sa gano'ng tanong.

"Akala ko ba nag-break na sila, bakit magkasama pa rin?"

Nilingon ko ang babaeng kasabay ko sa paglalakad papasok sa eskwelahan na nagsalita. "May sinasabi ka?" Sa tono ng tanong ko ay ginawan ko ito nang nakakatakot na tono. Hindi naman sa nagagalit ako dahil kanina pa rin ang tanong na 'yan simula sa playground malapit sa school, sa fast food sa labas ng university, at pati sa loob?

Umiling na lang ito at mabilis na naglakad kasama ang baklang kaibigan siguro nito.

Ako naman ay humarap kay Reniel. Pagkaharap ko dito ay bigla na lamang akong kinabahan sa itsurang nakaukit sa kanyang mukha. "Bakit sinusundan mo pa rin ako?" Tila sumusuko kong tanong. Ayaw ko na kasing makipag-argumento dito kaya gusto ko na itong mawala na parang bula.

"Gusto ko lang malaman kung ano ang sinabi sa'yo ni Jake," kalmadong sagot nito.

Bumuntong hininga ako. "Bakit gusto mong malaman?" Inartehan ko ang pagtatanong dito para itago ang tunay na rason.

"Dahil ako lang ang makakatulong sa'yo kapag nagkaproblema ka." Bakas ang pagiging sigurado nito sa sinasabi niya.

"'Sige nga, tulungan mo nga akong hanapin ang karugtong ng sulat na 'to," aniko at itinaas ang sulat na binigay sa'kin ni Lucas. Sabi ni Lucas ay kompleto ang sulat na iyon pero nakita namin sa dulong papel nito na may punit kaya nagtaka kami.

"Pinunit niya siguro para walang makaalam kung ano ang mga sinasabi niya noong siya ay si Mathias pa," ani Lucas.

"May punto ka diyan. Pero bakit niya nga ba ginagawa ito sa'kin?" Tanong ko dito.

"Siguro mahal ka no'n,"

At palaisipan pa rin sa'min ni Lucas kung saan makikita ang karugtong niyon.

"Ano ba ang nakasulat diyan at para namang importante?" anito na hindi nakatingin sa'king mga mata.

"Sobrang importante ng sulat nito. Doon nakasalalay ang buhay pag-ibig ko," siniglaan ko ang aking boses at baka sakaling tulungan niya akong hanapin ang karugtong nito.

"Akin na nga," anito at hinablot na lang basta ang papel.

"18. You don't need to fly up in the sky,
Just try looking to your side
You will see that someone here loves you."

"Ito 'yung nakasulat." Nasambit na lamang nito at inikot-ikot ang papel. "Wala namang akong nakikitang may karugtong pa ito maliban sa napunit na dulo nito." Dugtong nito.

"Dulo nito," inulit nito ang sinabi.

Inagaw ko naman ang papel. "Bakit unulit-ulit mo ang "dulo", wala nga ang dulo." Aniko. Pero nakita ko sa unang pangungusap ang numero disi-otso.

"May '18' sa unahang sulat," tila nakangiti kong wika. Pero napakamot din ako sa ulo. "Ano'ng ibig sabihin ng '18' na ito?" Dugtong na tanong ko.

"Nahanap n'yo na?!" Sigaw na tanong ni Lucas.

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now