Chapter IX:

61 5 0
                                    

A MOONLIGHT

-Krist-

Gano'n na lamang ang nagawa ko. Umiwas ako sa kanya. Umiiwas na ako ngayon kay Reniel. It's Tuesday morning at wala pa ang ibang mga kaklase ko na lagi kong nakakausap.

Hindi rin ako nakapunta sa mansyon kagabi dahil nga absorbed pa 'yung utak ko sa ginawang paghalik ni Reniel.

"Hi bes," wika ni Jade na kadarating lang. "Nakita mo na si Reniel?"

"Reniel na naman?" Imbis na sagutin ang tanong nito ay nagtanong din ako. "Bakit ba lagi niyong hinahanap sa'kin si Reniel?" Dugtong ko pa.

"Kasi naman, 'yung nangyari sa inyo kahapon. 'Di ako makapaniwala!" Tili nito kaya napatayo ako'y tinakpan ang bibig nito.

I looked around. Buti na lamang at busy silang lahat. "Ite-tape ko 'yang bibig mo!" Banta ko rito at pinandilatan pa ng mata.

"Sorry naman." Anito at hinampas pa ako sa balikat. "Kinikilig lang talaga ako. Napaamo mo kasi ang halimaw sa school," dugtong nito at sinamahan pa ng mahihinang pagtawa.

"Hindi naman ako ang nagturo do'n maging matino," aniko pa. Totoo naman kasi. Inamin niya kagabi na kinonsensya siya ng kanyang ina.

"Hm? Sino naman?" Taka nitong tanong.

"Syempre, ang nanay niya." Direktang sagot ko.

Naupo naman ito sa upuan ni Reniel. "Gagi, kahit ang nanay niya ay hindi mapalambot si Reniel," tila nahihintakutan nitong wika.

Maski ako ay naguluhan din. Kasasabi niya lang kagabi, ah? "So, nagsinungaling siya sa'kin gano'n?" Mataray na tanong ko. Hindi ko dapat ipahalata na nasiyahan ako ng kaunti sa isiping ako ang nagpalambot sa halimaw na iyon.

"Sigurado, dahil ikaw lang naman ang nilalapitan niya dito at wala ng iba,"

"Wala ng iba? Nakita ko kaya siya kanina may kasamang babae," sagot ko. 'Di ko ba alam kung bakit nagsasabi ito ng gano'n. Gayong nakita ko itong may kasamang babae at patungong likuran ng unibersidad.

"Huh?" Tila taka nitong bulalas. "Ang arte-arte kaya ng lalaking iyon!" Tili nito. "Ayaw niyang nilalapitan siya ng kung sino-sino tapos malalaman ko lang sa'yo na may kasama siyang babae?! Haller, mapapatay ko ang babaitang iyon!" Tili ulit nito. Nagbabaga ang mga mata sa galit.

Natawa ako sa inasta nito. "Siguro may gusto ka kay Reniel, 'no?" Hindi naman kasi maipagkakailang gwapo si Reniel. Mula sa mga mata nitong antukin, medyo mataba din ito. Pero muscle niya lang iyon. Fit na fit ang white t-shirt nito at lagi lang nakapantalon. May gold necklace without a pendant. Bilugang mukha na may undercut na buhok. Medyo matangos ang ilong at may kakapalan ang mamula-mula nitong labi.

"Hoy! Kahit anong sabihin mong magandang katangian ni Reniel, 'di ko siya magugustuhan, 'no? Si Duke kaya ang gusto ko,"

Natawa na naman ako sa pagiging straight forward nito. Hindi yata alam nito na nasa kabilang row si Duke at nakikinig sa'min. I looked at Duke, he was smiling. Gwapo nga ito. Sa katunayan ay isa itong escort sa classroom namin at ilalaban sa iba pang unibersidad dahil sa itsura.

"Duke, kailan nga pala ang cere--"

"Shit!" Putol ni Jade sa sasabihin ko. Lumingon pa kasi ako kay Duke kanina kaya alam kong alam nitong nasa likuran lang niya ito. Napatingin na lang ako sa itsura ni Jade na mukhang pinahinog na kamatis sa sobrang pula.

"Hindi mo sinabing nandyan pala siya sa likod ko," sambit niya ito sa pabulong na tono.

"Alam ko bang siya ang gusto mo?" Nilakasan ko talaga ang pagsabi niyon upang iparating kay Duke kung ano ang pinaguusapan namin.

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now