Chapter III

103 6 0
                                    

A ONE HORROR HOUSE

-Krist-

Tuwang-tuwa ako ng uwian na. Halos 'di ako nakakain ng buong araw gawa ng ginawa ni Reniel. Pati ang tanghalian ko ay kinuha niya rin. Ang sama talaga ng ugali nito. Wala ba itong mga magulang na nagluluto ng pagkain para sa kanya?

Tila parang umaayon ang panahon sa kanya dahil nang makalabas ako upang puntahan ang aking bisikleta ay nawawala ito. Dito ko lang iyon inilagay, eh.

"Oh, bakit Krist?" Sambit sa'kin ni Rebecca. Ang babaeng nangangarap ng isang dosenang anak.

"Nawawala ang bike ko," wika ko. Medyo namamaos na rin ako. Ganito ba kapag transferee? Kailangang makaranas ng mga ganito? Hindi nga ako nabully physically pero nabully ako gamit ang paggutom sa'kin.

"Nandiyan lang iyan. May cctv dito kaya itanong natin sa principal. Baka nagkamali lang ng kuha," wika nito at hinila na ako sa kamay. Iba na ito ngayon, hindi man lang ako natusok sa mga kamay nito.

Agad kaming nakarating sa principal office. Sinilip namin ang footage at ang walanghiyang si Reniel ang kumuha ng bike ko at itinag iyon sa likod ng school. Agad akong tumakbo papunta do'n. Gusto kong umuwi ng maaga pero ano ito? Ang tagal namin sa principal office dahil si Reniel ay anak ng may-ari ng school kung saan ako pumapasok ngayon.

I just shool my head. Bahala na, edi bumalik na lang sa dating school kung patalsikin ako dito. Ayaw ko lang magkaroon ng kaaway. Lalo na ang anak ng may-ari nitong eskwelahan.

Tatlong minuto din ang tinakbo ko bago ko marating ang likod ng school. At napabuga ako ng hangin ng makitang nahiwalay ang unang gulong nito. Luminga-linga ako. May napansin akong bag sa likod noong puno kung saan ako tumambay noong tanghali. Ito siguro si Reniel at binabalak magtago.

"Bakit mo ito ginagawa sa'kin, Reniel?" Pasigaw na tanong ko. Wala man lang sumagot. Tanging uwak lamang.

I sighed. Buti na lamang at dumaan ang janitor sa likod upang diligan ang mga halaman. "Mang Janitor?" Untag ko dito.

Agad naman itong napalingon sa'kin at nagtanong. Pero bago ko pa sagutin ang tanong niya ay nahulaan niya na kung bakit. "Sandali lang, 'toy, may mga gamit ako sa budega." Wika nito at mabilis na umalis.

Mabilis na natapos ni manong Hernan ang aking bisikleta. "Mabuti na lamang at inalis lang ang gulong sa tinidor, kung iyan ay binaklas lahat, mukhang gagabihin tayo sa pag-aayos," wika nito at tinapik ang aking balikat. "Mag-ingat ka na lamang sa anak ng may-ari nito. Marami na iyong nabubully. Simula noong magbreak sila ng kasintahan ay nag-iba ang ugali. Limang taon na ako dito at kahit may-ari pa ng school ang anak ay lagi na lang itong balik eskwela sa fourth year."

Mukhang naiintindihan ko na kung bakit ganito ang trato nito sa iba. "Lalaki lang po ba ang binubully niya?" Natatakot kasi akong baka pati mga babae ay madamay sa tahasang pambubully nito.

"Hindi, alam mo bang bisexual iyang si Reniel?"

Namangha ako sa narinig. Bisexual naman pala, eh. Bakit naging bully? "Paano niyo po nalaman?" Curious na tanong ko.

"Ang kanyang ina ay nagbigay ng magarang kaarawan sa kanya na may temang iba't-ibang kulay. Proud daw ito at nagkaroon siya ng anak na ganoon. Ngunit noong bumagsak ito ay nag-iba na ang tingin sa kanya ng kanyang ina," wika nito at napakamot sa ulo. "Oh, siya, baka malayo pa ang ipepedal mo. Maabutan ka pa ng dilim." Anito at umalis na sa harap ko.

Tumingin ako sa puno. Wala na doon ang bag. Ano kayang dahilan nang paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan? Kaya ba nag-iba ang ugali nito dahil sa dalawang dahilan? Bakit hindi niya na lang galingan sa eskwelahan ng maging proud ulit ang kanyang ina?

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now