Chapter XVII:

49 2 0
                                    

KAPIRASONG PAPEL

PART 1: LOVE ISN'T THAT FAR....

"Ahm.. I mean, may pagkakahawig ka lang naman kay Phuwin Tangsakyuen," alanganin akong ngumiti.

"Khowthoth, (Sorry)" Anito.

Nanlaki ang mga mata ko dito. "Akala ko ba hindi mo 'yun kilala?" Taka ko dito dahil nag-thai ito.

"Hindi nga, ang pinapanood ko pa lang naman na BL ay ang Bad Buddy. Ayun lang,"

Napabuga ako ng hangin. Bakit ba nerdy ang tawag dito kung alam din nito ang BL? Parang ako na rin ang sumagot sa tanong ko dahil umiling ako. Alam ba nang nakararami kung ano ang pinaggagagawa nito sa buhay?

I heard some ringtones. Alam kong phone ko iyon kaya naman kinuha ko ito sa bulsa ko. Sinagot ko ito nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. "Hello?"

"Ano ka ba? Paano nila iisipin na magkasintahan tayo kung ayaw mo 'kong paupuin sa tabi mo?" Bulyaw na tanong agad sa'kin ni Reniel.

"He shouts?" Tanong naman ni Lucas.

Tumango lang ako. Siguro ay narinig niya ang nakakarinding sigaw nito sa kabilang linya. "Sinabi ko na sa kanila," kahit hindi naman talaga. Gusto ko lang naman malayo sa kanya kaya ko ginawa ang bagay na iyon. Nawa'y mabawasan pa rin ang kasalanan ko kapag nagsimba ako.

"Sinabi ang alin? Kaka-tawag lang talaga nila sa'kin ay sabi na may katabi ka daw at ang katabi mo daw ay si nerdy?" Anito na kinakabog ng dibdib ko. "Ayaw ko sa sinungaling kaya magsabi ka ng totoo. Bakit ayaw mo na akong makatabi?" Bakas na ang pagtatampo sa huling tanong nito.

Nakatingin pa rin sa'kin si Lucas habang kausap ko itong si Reniel. "Ah, basta. Gusto ko lang naman malayo sa'yo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede natin totohanin ang dapat ay laro lamang. At alam mo naman na umaasa ako na balang araw...... ay hindi na siya masusunog sa sinag ng araw." Aniko at pinatay na ang tawag.

Ngumiti ako sa harap ni Lucas. "Alam mo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko, 'di ba?" Aniko.

"Oo, si Jake."

Nabigla ako sa sinasabi nito. Parang may kung anong pumapasok na ala-ala sa aking utak.

"Love isn't that far..... just look at your side." Tumagos ang minsang sinabi sa'kin ni Mathias nang kami ay nasa rooftop ng mansyon kung saan ko siya lagi pinupuntahan.

"You were wishing snow at Philippines, you were wishing that someday, the commonwealth doesn't have traffic in an hour. You were wishing that your love is not like stars at night."

Nilingon ko si Lucas. "Paano mo nalaman ang salitang iyan?" Ito kasi ang karugtong ng naalala kong sinabi ni Mathias.

"Dahil minememorya iyan ni Jake." Anito at tumango-tango. "Don't look up to the sky, just to see your love. Don't look at the sea if you wanting a star. Don't look at sky if you wanting a fish. Love isn't that far.... it's right here. You can see who loves you the most," anito.

"Tugmang-tugma ang sinasabi mo sa sinabi niya noong nakaraan. Paano?" Tila taka ko pa ring tanong dito.

"Dahil pagkatapos niyang mamemorya ang salita ay tinapon niya ang papel sa likod. At ako naman ay pinuntahan iyon at pinulot. Hindi niya tinapos ang salitang nando'n. Mayroon pang kasunod iyon. Pero nakalimutan ko na dahil matagal na iyon." Anito at yumuko.

Tila palaisipan pa rin sa'kin kung ano ang nangyari sa madaling panahon. Hindi naman ako nangangailangan ng atensyon ng iba. Gusto ko lang naman maranasan ang mahalin at magmahal. Pero hindi sa ganitong pamamaraan. Paanong nagagawi ni Jake ang magpuyat nang gano'n ng magmukhang isang bampira?

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now