Chapter I

397 7 1
                                    

BEING ACCEPTED

"Tada!" Wika ng aking itay. Kadarating ko lamang galing eskwelahan to enroll myself nang sunduin ako nito sa 'di kalayuan. At tinakpan nito ang aking mata. Sorpresa daw na gugulat sa'kin ang makikita ko sa bahay.

Laking tuwa ko nang makita ko ang iba ko pang mga kamag-anak. At ang handang pagkain sa likod ng mga ito.

"Bakit napasobra ang katalinuhan mo pero itong mga pinsan mo'y halos mapapagbuhatan ko na ng kamay," natatawang wika ni tita Isolde. Mas matanda ito kay inay.

"Nga pala, Krist," may iniabot na sobre sa'kin si Inay. "Salamat anak at 'di mo pinabayaan ang pag-aaral mo kahit na mahirap lamang tayo," madamdaming wika nito.

Binuksan ko ang sobre. Hindi ito pera pero nakakapagpangiti pa rin ng labi. Napatingin ako sa kanilang lahat. Inisa-isa ng aking mga mata ang aking kamag-anak na tahimik na nakatingin sa'kin. Lahat sila ay nakangiti. Sa mismong araw ng kaarawan kong ito, ipinapaalala kung gaano nagdiwang ang aking puso. Napapaluha na rin ako kapag sandaling napapatingin sa sulat at sa kanila na naghihintay ng aking sasabihin. Paano nga ba sisimulan ang pag-s-speech gayong alam na nila at tanggap pa?

"Sis, huwag ka ngang magdrama d'yan!" Wika ng pinsan kong si Alexis na anak ni Tito Cardo-- na kapatid ni Inay.

"'Di ko lang alam ang sasabihin," may halong kabang sambit ko ay yumuko.

"Ano na?" Wika ni James na kapatid ni Alexis.

"S-salamat dahil tanggap niyo ko sa pagiging ako," halos naiyak na ako sa sinabi kong iyon.

"Huwag ka ng umiyak, anak," masuyong sambit ni inay. "Matagal na naming alam ni itay mo ang tunay mong pagkatao. Natutuwa lamang kami dahil kahit papaano ay pinipilit mo itong labanan at magpakatatag." Wika ni Inay.

Wala akong magawa kundi ang yakapin ito. Sobrang saya ko dahil hindi ko na itatago kung sino ako. Sobrang saya ko dahil wala man ni isang tumutol sa pagiging kakaiba ko.

"Maraming salamat po sa inyong lahat. Ito ang best birthday ko ever!" Masayang wika ko at niyakap silang lahat.

Nagsimula na ang salu-salo. Abala kami sa pamimigay ng pagkain sa mga 'napakalapit' na kapitbahay. Lahat ng bahay dito ay hiwa-hiwalay. Pinakapamalapit na sa'min ang mansyon ng mga Feranil. Isang kilometro ang layo niyon sa'min pero dahil nga sa mansyon iyon ay tanaw na tanaw pa rin. Wala naman kasing puno dito kung isang mahabang kalsada lang at mga damo.

"Oh, anak, dapat masaya ka ngayon," wika ni itay. Napansin siguro nito na nasa labas ako ng bahay at nakatitig na naman sa mansyon na iyon. Pinapangarap ko kasing magkaroon ng gano'ng kalaking bahay para sa mga magulang ko. Gusto kong magkaroon ng sapat na pagkain sa pang-araw-araw. Kaya nalulungkot ako sa isiping ito pa rin ako. Nag-aaral sa huling sandali.

"Anak, pwede mong ibahagi 'yan." Wika ni itay at inakbayan ako. Nasa forties pa lang ang itay ko. Medyo bata itong tignan. Malaman ang katawan dahil na rin siguro sa hirap. Ang inay ko naman ay balingkitan. Maputi si inay at sa edad na treinta nueve ay nadala niya ito. May matangos na ilong si inay na sa kasamaang palad ay 'di ko namana. Pango ako kung tutuusin. Pero bawi naman sa mukha dahil clear skin ako. May kaputian ding taglay.

"Anak...."

"Ow, 'tay, wala naman akong problemang maibabahagi sa inyo," wika ko.

"Ahmm.. Tanungin mo 'ko ng tapat ha?"

"Sige po, ano po ba iyon?" Tanong ko kay itay at lumingon sa kanya.

"May boyfriend ka na ba?"

Nasamid ako sa sinabi ni itay kahit wala naman akong kinakain. "'Tay, ano namang tanong iyan?" Medyo naubo-ubo pa ako. Si itay talaga, walang liko ang bibig, eh.

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now