Chapter V:

93 6 0
                                    

PAGGUHIT

-Krist-

Ilang araw na rin ang lumipas. Ilang gabi na rin ang nagdaan ay nakasama ko pang lalo si Mathias. Naging malapit din kaming lalo at ngayon ngang sabado ng gabi ay excited akong pumunta sa mansyon.

"Saan ka na naman pupunta, aber?" Saway sa'kin ni inay.

"Diyan lang ako, magpapahangin," nakangiting wika ko.

"Magpapahangin? Gabi-gabi mo na 'yang ginagawa ha?" Pagalit na wika nito. "Kung gusto mong gumala ng gabi, sabihin mo na lang na gagagala ka, hindi 'yung papalusot ka pa," natatawang dugtong nito. Cold temper ang mga magulang ko. Hindi sila minsan nagkaroon ng galit sa'kin dahil sa pagsisinungaling ko. Tactic din yata nila iyon para makonsensya ako.

"Tama ka po inay, gagala nga lang po ako at gusto ko rin naman magpahangin. Kastress kaya sa school lalo na 'yung bully na anak ng may-ari ng school na katabi ko pa sa classroo---" at bago ko pa matakpan ang sarili kong bibig ay lumabas na lahat ng hinanakit ko sa paaralan.

"Ano kamo, anak? Binubully ka do'n?" Pagsingit na tanong ni itay. Lumabas ito ng kwarto nila. Siguradong naglinis ito ng tutulugan nila.

"'Nay, 'tay, hayaan niyo na siya. Hindi naman po siya nananakit physically. Pero 'yung baon ko lang po talaga ang habol niya. Masarap daw po kasi ang luto ni inay kaya ayun, iba ang nakikinabang," wika ko at humakbang na palabas.

"Basta mag-ingat ka ha? 'Yung bampira," bago pa makapagreact si inay sa bampira ay nakatakbo na ako palabas. Alam ko kasing 'di ako papayagan ng mga ito dahil sa issue na may bampira dito. Mabait naman si Mathias, eh. Hindi nga lang sa iba na ang alam lang ay matakot at magalit sa mga ito.

Hingal na hingal akong nakarating sa lumang mansyon. Nakapatay ang ilaw kagaya ng inaasahan ko. Nakita ko itong nakatayo sa maindoor ng mansyon. Kumaway ako, iba na ang dating nito. Maayos na ang suot na damit hindi kagaya no'n na akala mo'y pulubi.

Medyo kumabog ang dibdib ko ng biglang bumukas ang ilaw sa labas at makita ang mukha ni Mathias. Lalo pang kumabog ang dibdib ko nang makita itong may hawak na pulang rosas.

"A-ano 'yan?" Natatangang tanong ko.

"Para sa'yo," nakangiting wika nito.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bakit parang ang bilis niya? Nahalata niya bang hindi ako straight na lalaki? "B-bakit?" Taka kong tanong.

"Turuan mo ko magguhit." Nakangiting wika nito. May naikwento pala ito sa'kin na gustong-gusto niya matuto sa pagguguhit.

"Tuturuan naman talaga kita, eh," aniko habang tumatawa. "Bakit kailangan mo pang magbigay ng rosas?" Tanong ko. Pero sa ganitong klaseng kilos ay kinikilig ako. Ikaw ba naman na ang isang gwapong bampira ay mag-alay sa'yo ng bulaklak.

"Itanim mo 'yan. Tapos ilagay mo sa bintana mo. Para kapag sumapit ang araw at bigla ka na lang bumangon at mapasilip sa bintana, iyong rosas agad ang iyong makikita at maalala mong may kaibigan kang hindi ordinaryo," paliwanag nito.

Tumango-tango na lang ako. "Pasok na tayo, baka habulin pa ako ni itay at pauwiin," natatawang wika ko at nauna nang pumasok sa lumang mansyon.

Narinig ko naman ang yabag nito papasok din ng mansyon. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa'kin ito. Ang pagkakaroon ng kaibigang may kakaibang katangian ay nakakakaba na nakakatakot. Hindi ko pa siya lubos na kilala pero ang utak ko ay nagsasabing manatili sa tabi nito.

"May ikukwento pala ako sa'yo mamaya. Do'n tayo sa may rooftop." Wika nito.

Iniisip ko na lang siguro na mahulog sa bampirang ito. Ikaw ba naman na bigla na lang maghuhubad at makikita ang yummy nitong katawan? Pero kailangan kong magpigil. Sino ako para pagnasaan ang ganitong klaseng nilalang? Mabuti sana kung katulad siya ni Reniel.

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now