Chapter IV:

89 5 0
                                    

CURIOSITY

-Krist-

I woke up in midnight. Panaginip lang pala ang nangyari sa mansyon. Pero parang totoo iyon dahil hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang aking tiyan na maraming laman. Napasarap ako ng pagkain at noong masabing siya daw ang nagluto ay mas lalo akong ginanahan.

Tila masarap kasama si Mathias, para ngang hindi siya tunay na bampira dahil wala akong nakikitang pangil kagabi.

Wala akong magawa kundi ang bumangon upang maghilamos. Sumilip ako sa bintana at tinanaw ang mansyon. Kumabog ng malakas ang puso ko ng biglang dumungaw ang mukha nito.

"A-anong g-ginagawa m-mo r-rito?" Utal-utal kong tanong.

"Sinisilip ka kung maayos ka bang nakakatulog, aking kaibigan," wika nito at ngumiti. "Alis na rin ako," dugtong na saad nito. Pero 'di pa ito nakakalayo ay bumalik din kaagad. Simbilis ng kidlat. Kaya nanlaki ang mga mata ko ng muntik ng magdikit ang aming mga labi. Takang-taka man ay 'di ko na pinansin ang ngiting umukit sa labi nito. "Nga pala, huwag mo 'kong asahang gising sa umaga ha? Nocturial ako." Anito at bigla na lang nawala.

Napailing na lang ako at binaba na ang bintana at muling bumalik sa pagkakahiga. Iniisip ang maamong mukha ng bampira. Napangiti ako at hindi pinagkait ang kaunting oras na tulog.

"'NAK, gising na,"

Napamulat ako nang magsalita si inay. Napasarap ang tulog ko. Napanaginipan ko na naman kasi si Mathias na nakaakbay sa'kin habang nakatingin sa maliwanag na sikat ng buwan at nakapwesto kami sa bubong ng mansyon.

"Gising na po," wika ko na pupungay-pungay pa. Napasilip ulit ako sa bintana. Hinihintay na may maggood morning sa'kin na Mathias pero nahuli ko na lang ang sarili kong ngumingiti at biglang napabuga ng hangin.

"Nocturial daw siya, means, tulog siya sa umaga,"

Muntik ko ng makalimutang bampira nga pala ito. At natutulog ba ito sa kabaong kagaya ng mga nasa kwento? Sinilip ko ang ilalim ng aking papag. Mahimbing pa ring natutulog ang alaga kong aso na si Choy. Matagal na ito sa'kin dahil simula pagkapanganak pa lang nito ay kinuha ko na at inalagaan.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang ng kwarto. Si inay ang nagpapakain diyan tuwing may pasok ako. At tuwing weekend naman ay ginagala ko ito sa labas. "'Nay, ano pong ulam?" Tanong ko kaagad habang nagtitimpla ng kape.

"Adobong atay na may catsup,"

"'Nay, may handaan?" Taka kong tanong.

"Wala naman, ipinagluto ka lang ng paborito mo ay tinatanong mo agad kung may handaan?" Natatawang sambit ni inay.

Napalingon na lang ako sa kape. 'May the light shall embrace you' nawika ko.

"Mukhang kinaadikan mo na ang larong iyon, anak, ha?" natatawang tanong ng aking inay.

"Naririnig ko po kasi iyon sa heroes kapag gusto mong i-pick." Sagot ko at umupo na sa upuan. "Nasaan po pala si Itay?" Taka kong tanong dahil 'di ko ito naabutan ngayong umaga.

"Nasa bukid natin, anak. Malapit na ang tag-ani kaya todo gawa na ang tatay mo ng scarecrow," saad nito at nag-ala scarecrow pa.

But curiosity filled my body nang makitang umuwi si itay. Susubo pa lang ako ng isang beses ay bigla na lang itong nagsalita.

"May patay sa bukid natin," wika nito na pagod na pagod. "Isang babaeng estudyante." Dugtong nito.

Dahil malaki ang oras ko sa umaga ay tinapos ko agad ang pagkain ko at sinundan si itay sa bukid.

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now