Chapter XV:

47 4 0
                                    

BAMPIRA

Nakatingin na lamang ako sa salamin ng kwarto ko ngayon. Sapo-sapo ang aking buhok at nag-iisip kung paano ko susuyuin ang halimaw na si Reniel na iyon. Hindi ko ito naabutan sa tinutuluyan niyang kwarto sa university kaya naman wala na akong pag-asa. So, it ended up by stepping out to the university.

Kita ko ang aking labi na nagdurugo. Ang dami ding nangyari kaninang 'hapon. Nang pauwi na kami galing eskwelahan ay iniwan na nila ako sa gate. Ako naman ay tuloy-tuloy sa paglalakad dahil 'di ko na nadala ang aking bisikleta. Naflat kasi, eh.

Nang nasa ikatlong poste na ako malayo sa eskwelahan ay bigla na lamang akong hinila ni Jake patungong damuhan. Kinakabahan ako nang mga oras na 'yun dahil wala akong ligtas kung papatayin ako do'n. Pero 'di nangyari iyon. Sinampal lamang ako nito.

"Don't you ever dare me call halimaw, asshole." Anito at umalis na.

'Buti na lamang at iyon lang ang nangyari sa'kin. Pero nang mga oras na hawakan ko ang aking labi ay nunka ko nalaman na napalakas pala siya sa pagsampal.

Deserve ko ba iyon? Totoo namang halimaw siya.

Kaya hanggang ngayon ay 'di pa din ako nalabas ng kwarto. Alam ko kasing magtatanong na sina inay kung bakit ako nagkaroon ng putok sa labi.

"Hindi ka pa ba kakain?"

Mabuti na lamang at hindi nila ako napansin kanina no'ng umuwi ako. At ito na nga, nakatok na si inay sa aking pintuan.

"Mamaya na lang po---ah!" Inda ko dahil nagtama ang aking mga labi.

"Anak? Ano'ng nangyari sa'yo?" Wika nito at kinatok nang kinatok ang pintuan.

"Ayos lang ako, 'nay!" Sigaw ko rito dahil alam kong kikilalanin nila kung sino ang gumawa nito.

Sandali itong natahimik. At sa pagkatahimik nito at may naramdaman ako sa bintana kaya napalingon ako do'n. May nakita akong pulang rosas sa paso. Natatandaan ko pa ang bulaklak na ito. Ito ay ang bigay ni Mathias the vampire. Pero bakit parang pinahiwatig ng kung sino ang pangyayaring ito?

"Anak?" Boses na iyon ni itay.

Siguro ay tinawag lang ni inay si itay para ito na ang magpalabas sa'kin mula sa kwarto ko. "Itay, mamaya na po ako kakain," katwiran ko.

"Hindi pwede, alam mo namang sabay-sabay tayong kumakain. Saka nandito si Reniel,"

Sa huling sinabi nito ay napatakbo ako sa pintuan at walang-lingon likod kong tinungo ang hapag-kainan. Tama nga si itay, nandito si Reniel. Ang akala siguro nito 'di ako maiinis dahil sa ginawa nitong tampu-tampuhan.

"Ikaw!" Duro ko dito dahil ang laki ng kasalanan nito. Kung hindi lang sana ito nagtampo at kung kasama ko itong umuwi dito sa bahay ay siguradong walang mangyayaring masama sa'kin. And about that, I must've out. I forgot the scar that Jake leave to my lips. Napatakip na lamang ako ng aking labi para itago ang mga nangyari dito.

"Shit," galit na turan ni Reniel at padabog na tumayo sa kinauupuan. "Bakit ka nagkaroon ng sugat sa labi, ha?" Pagalit na tanong nito.

Nakita ko sina inay at itay na nakatingin lang sa'kin. Alam kong magagalit ang mga ito dahil tinago ko ang sugat na bigya sa'kin ni Jake.

"Simpleng sugat lang ito. Nakagat ko lang," pagsisinungaling ko.

"Alam kong 'di magkakaroon ng sugat kapag kinagat ang labi. Kaya sabihin mo sa'kin kung bakit nangyari iyan sa'yo?" Tanong nito habang hawak-hawak ang pisngi ko upang suriin ang pisngi ko.

"It was a simple bruise," aniko.

"Simpleng sugat? Kinagat ka ba ng bampirang iyon?" Anito. "Aba, masarap ka siguro humalik kaya nakagat niya,"

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now