Chapter XXI:

39 2 0
                                    

FAKE

-Krist-

Nakatulala pa rin ako dito sa aking kwarto. Dalawang araw na din ang nakalilipas no'ng matulog ako kay na Mathias-na hindi pala talaga totoong bampira.

Tamang-tama ang kwento sa'kin ni Reniel sa ikwinento sa'kin ng pekeng Mathias. Nagmahal si Mathias ng isang mortal na lalaki na mahilig sa pagbabasa ng libro. Sinubukan kasi ni Mathias habulin ang lalaking mahal nito pero nakalimutan daw nito na pasikat na ang araw kaya no'ng tumama ang araw sa balat ng tunay na Mathias, bigla na lamang itong naglaho at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung buhay pa ba ito o isa na lamang sa mga kwentong panakot sa mga bata dito sa Glamour Village.

Pero kahit na alam kong hindi na si Mathias ang kasama ko, palaisipan pa rin sa'kin kung sino ang lalaking iyon na nakasuot ng maskara ni Mathias.

"Anak, araw ngayon ng Lunes." Sigaw sa'kin ni inay.

Lumabas na lamang ako ng kwartong gulong-gulo pa rin ang isip. Paano ka ba magiging matino kung ang taong pinangarap mong makasama habang buhay ay hindi pala totoo at nasa isang pagkakataon lang?

Pero, bakit ginagawa iyon ng pekeng Mathias?

"Ano'ng ginagawa mo?"

Napatingin na lamang ako sa aking inay na nagtataka sa kinikilos ko. Kiwento ko na din dito kanina ang nangyari at ang totoong pangyayari.

"Inaalis ko lang itong rosas sa bintana inay, peke ito, eh," aniko na lamang at muling sinulyapan ang pekeng rosas na binigay sa'kin ng pekeng Mathias.

Ni hindi ko namalayan na napabalik ako sa aking kwarto dahil sa lubos na inis.

Bakit ang daming pekeng tao? Pinakitutunguhan naman ng maganda pero peke pa rin.

"Paano mo naman nasabing peke iyan anak, eh, halos malanta na dahil 'di mo inaalagaan?" Sambit ulit ni inay.

Nilingon ko ulit ito. "Peke ito inay, kasing peke ni Mathias."

"Anak, may rason naman ang tao kung bakit kailangan nilang gawin ang gano'ng bagay." Ani inay at dahan-dahan nitong sinara ang pintuan.

May punto ang aking inay. Pero sino nga ba ang nasa likod ng pagpapanggap na iyon?

——

"Nangyari sa'yo bakla?" Bungad sa'kin ni Rebecca—ang nangangarap ng isang dosenang anak.

"Wala," sagot ko na lamang pero hindi pa yata natatapos kay Rebecca ang delubyo dahil dumating si Jane, Dean at ang bago daw nilang friend na si Shiela.

"Anong balita simula no'ng weekends?" Ani Dean na mapaghahalatang tsismosa.

"Wala," walang kagana-gana kong sagot at naglakad na ako papasok sa university.

"Ano'ng nangyari sa isang iyon?" Rinig na rinig kong tanong ni Rebecca at hindi ko na narinig pang muli ang kanilang mga tinig.

Pero papasok pa lang ako ng room when some guy shout at me.

Nilingon ko ito at napabuntong hininga. Sana na lang au hindi ko na lang pinansin ang kumag na 'to. Lalo lang tuloy nasira ang sira-sira kong araw ngayon.

"Krist!"

Muling sigaw ng kumag. Wala akong nagawa kundi ang humarap dito at panlakihan ng mga mata.

"Ano ba ang problema mo?" Habol hiningang tanong nito.

Napakamot ako sa ulo ko. Bakit ba gano'n na lang ang tanungan nila? Tumikhim ako bago ako magsalita. "Ano ba'ng mayroon at ganyan ang tanungan niyo?"

"Just look at your face," anito na may halong pag-aalala sa mukha.

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now