Chapter XXIII:

42 2 0
                                    

OH, NO!

-Krist-

"Oh, no!" Sigaw ni Jade.

Napasigaw din sina Dean, Shiela at Rebecca.

"Mga loka-loka, pinsan ko iyan," wika ko na may mahihinang pagtawa.

"Ay gano'n?" Parang dismayadong tanong ni Shiela.

"I thought manliligaw mo din siya," wika naman ni Rebecca.

"Pwede din naman,"

Napalingon ako sa sumingit. Walang iba kundi si James. Ang pinsan kong walang magawa kundi ang asarin ako. "Wala namang may kayang manligaw diyan kaya ako na lang," dugtong nito at tumingin sa'kin nang may pang-iinsulto.

"So, hindi pa pala alam ng pinsan mo na may mga MANLILIGAW ka?" Shiela asked then she emphasized the word "manliligaw".

Nanlaki ang mga mata ni James, "t-totoo?" tila kinakabahang wika nito.

Nangunot naman ang noo ko. "Bakit naman hindi?" Oh, no! Don't tell me.....

"Oh, no!" Sigaw ni Dean. "Pinsan mo siya!" Dugtong nito.

"Naniwala naman kayo na liligawan ko iyang bugnuting si Krist?" Natatawang tanong nito.

"Mahilig 'yan manggood time. Kaya walang nagkakagusto sa hinayupak na 'yan, eh." aniko at hinila si Shiela dahilan para masama ang iba pa.

"Teka, sandali!" Sigaw ni James ngunit hindi namin pinansin.

Nakita ko na din sina tita at binati ko sila. Hindi ko maimagine ang sarili kong nililigawan ni James.

"Gwapo din naman ng pinsan mo, Krist!" Patiling wika ni Dean nang marating namin ang aking kwarto.

"Yikes!" Tanging nasambit ko na lang.

Nang humaba ang katahimikan dahil nagreview kami ng notes for projects.

I just checked my phone at wala man lang text messages mula sa taong inaasahan ko. At dahil do'n, nakaramdam ako ng kaba. Sino kaya ang kasama niya ngayon? Kanina pa siya hindi nagpaparamdam. Ni hindi niya na ako naihatid.

Someone's phone is ringing. At kay Shiela iyon. She answered the call at niloud speaker niya iyon. Inilapag sa ssahig at nabasa ko ang "kuya" sa caller's name.

"Shiela, hindi ko alam pero....."

Ramdam ko ang kaba sa boses ng kuya ni Shiela. Sino ang tinutukoy nito?

"Pero ano, kuya?" Sheila asked.

"Si Reniel nandito sa restaurant, with this most beautiful girl I've ever seen." Anito na kinabigla ng lahat nang naririto.

My heart pound fast. At parang may sibat na tumama sa aking puso. Ang buong akala ko ay maayos na kami. Ang buong akala ko ay matagal na siyang may gusto sa'kin at ginamit niya ang pinsan niya at ang kuya ni Shiela para makuha ako.

Pero bakit ganito? Bakit parang pinagka-isahan nila ako. Bakit parang pinaglaruan nila akong lahat?

Hindi ko napigilan ang sarili at agad akong lumabas. Narinig ko pang nagsalita ang mga tao sa bahay at nang dahil sa naidulot sa'kin ng lubos na pagmamahal, nagawa ko maging bingi sa kanila.

Under The Moonlight ✔️Where stories live. Discover now