Chapter 26 (E DI T E D)

3.4K 148 5
                                    


Jelo Harem POV:

I'm here inside the cafe kinakausap ang mga magandang dilag sa Elven town, kaya gusto ko dito eh, napaka daming magagandang babae na hindi makikita sa ibang town sa Graneir Empire. Elven town is the boundary of the Jade palace and the Granier Empire.

Jade Palace, the number one rival of the Graneir Empire ilang decada na rin ang nagdaan, wala akong masyadong ideya kung bakit, isa lang ang alam ko bigla-bigla nalang papasok sa teritoryo ang mga tauhan ng Jade Palace sa loob ng Granier empire at patayin ang mga kalapit bayan nito. 

Ilang dekada narin ang nagdaan simula nong war ang sabi sa akin ng ninuno ko na hindi ko alam kung totoo ba o hindi basta ang sabi nila ay hindi naman talaga ang mga granier ang totoo may ari ng Empire, ipinasa lang daw ito sa isang tagapagmana ng empire, wala naman nakakilala kung sino ang totoo may ari nito dahil wala naman daw nakakita sa nag iisang heir bigla lang daw ito nawala ng parang bula at ibinigay sa Graneir ang imperyo.

It has 3 country in this world ayon rin sa ninuno ko, pero sa mapa ng imperyo dalawa lang ang ipinakita at ipinaalam. Una ang Jade palace isang diktador ang namumuno nito, hindi naman gaano kalawak ang kanilang lupain, at wala rin nakakaalam kung anong klaseng pamumuno ba ang kanyang ginawa dahil sa una palang hindi ito pinapasok ang mga dayuhan, may sabi-sabi rin na kung sino ang maligaw sa Jade Palace, ay matatagpuan nalang nito ang bangkay sa labas ng kanilang lupain. 

Kaya marami nagsasabi na masama ang kanilang pinuno, kahit kami na knight ay hindi pa napasok ang Jade Palace hindi dahil sa natatakot kami salakayan kundi mahigpit ang security nito. Gumagamit ng Black magic ang Jade palace kaya mahirap itong pasukin. Si Allard lang ang tanging may kapangyarihan na Black magic pero ang ipinagtataka ko ay bakit hindi man lang inutusan ng Emperor ng Granier na lusubin ang Jade palace sa tulong ni Dark. 

Ang pangalawa  ay ang Granier Empire, kung ikumpara sa Jade Palace ang pamumuno masasabi ko mas maganda mamuno ang Emperador ng Granier Empire. May malawak ang nasasakupan ng Granier kesa sa Jade Palace. May tatlong Kaharian, nangunguna na nito ang Blanchet Kingdom na pinamumunuan ni Leandro Blanchet at ang kanyang pangalawa asawa na si Veronica Blanchet na isang Duchess noon at ang nag iisang heir na ngayo'y asawa na ni Duke Dark Allard na si Princess Lenora Blanchet-Allard. Sila ang may pinakamayaman na Kaharian sa Granier Empire na mas lalo nagpapatatag sa buong imperyo. 

Ang ikalawa ay ang Monet (monay) Kingdom, na pinamumunuan ni Asher Monet at ang kanyang asawa na si Helenna Monet at ang dalawa nilang anak na si Harold Monet ang bunsong anak ng mga Monet and also the heir of the throne, Honey Monet-Blaire ang unang anak ng mga Monet, dahil sa tinanan at pinakasalan ito ni henry yung gago na yun hindi man lang makapaghintay at talagang kinidnap talaga si Honey buti nalang mga mababait ang mga Monet at hindi na nagdeklara ng War sa pagitan ng mga Blaire at Monet. At yun din ang dahilan na naipasa ang Trono sa bunso nito.

At ang pangatlo ay ang Halle Kingdom, na pinamumunuan ni Eric and Solar Halle. May isa silang anak na hindi alam kung ano ang mukha nito dahil sa masyado sila pribado.

Sa loob ng Empire may 5 Duke ang nagsilbing Adviser ng Emperador.

Si Duke Dark Allard, the most powerful among the nobility in the Granier, wala rin nakaka alam kung ano ang kaya niyang gawin at kahit ako na matagal na niya kasama ay hindi ko rin nasaksihan ang kanyang abilidad, ang paglabas lang na literal na black Miasma sa mismo katawan niya ang nakikita ko, hindi rin siya gaano mahilig makipag ugnayan sa kahit na sino at kahit sa mga babae wala siyang issue ron kaya nakakagulat ang balita na ikinasal siya sa prinsesa ng Blanchet ang pumapangalawa sa makapangyarihan dahil sa taglay nito Rare possesion of magic, dahil sa nagtataglay na dalawang mahika sa isang katawan, pero sa henerasyon na Princess Lenora only possessed such rare power. 

Reincarnate into the Novel ( UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon