Chapter 32 (E D I T E D)

4.2K 136 3
                                        

Princess Lenora POV: 

It's has been 2 hours simula ng umalis ako sa Manor ni Dark.  His mansion is far away from Blanchet kingdom kaya sumasakit na puwet ko dahil kanina pa ako nakaupo, haysss kung may nag invento lang sana sa lugar nato nang airplane edi sana kanina pa kami nakarating, bakit kasi hindi pa linagyan ni author eh.

Bigla akong natigilan dahil saaking naalala, author? since all of these things that's happening to me, parte parin ba ito sa novela? I didnt know na hanggang ngayon iniisip ko pa rin pala na nasa isa akong novela na lagi ko binabasa, na Isang sikat na libro na para sa lahat ng kabataan. Napatawa nalang ako sa kaisipan na mukhang hindi na nga ako babalik pa bilang si Lynx Bella Falcon ang isang ordinaryong bata napadpad sa isang orphanage na inadopt ni ate Cindy.

Namimis ko na si ate Cindy, kumusta na kaya siya. Sana naman hindi niya pinabayaan sarili niya. If only I could just come back on earth and thank ate Cindy for everything she have done, that would be good right? hmmm I think that would be good. 

I look at the window beside me papalubog na ang araw I didnt notice the time masyado kasi ako nalulong saaking isipan.

its almost nightime, kumusta kaya ang paglalakbay ni Dark sa North Empire, I shouldnt be thinking about this since he is my protector but I think there's something wrong with Jelo I mean nevermind he is not like that.

Iniwan ako ni Dark dito sa kwarto para tingnan kung ano ang nagyari sa baba, Hayyss kababalik ko lang problema agad hindi ba pwede magkaroon man lang ako ng bakasyon?

Umupo ako sa dulo ng higaan ng may biglang pumasok I thought it was Dark but I saw Jelo walk towards me na may kasamang pagmamadali.

"Lenora nagbalik ka" he said and hug me, awkward naman akong natawa at sinuklian ko nalang siya nang yakap.

"Yeah I'm back" I said at bumitaw na sa pagyakap pero mukhang wala atang balak si Jelo dahil mas lalo niya hinigpitan ang kanyang yakap saakin, bigla bumundol ang kaba saaking dibdib, baka makita kami ni Dark dito at mabigyan pa kami ng malisya.

"Jelo, let go hindi na ako makahinga" I uttered, mukhang natauhan naman siya at agad bumitaw sa yakap.

"Sorry Lenora, nag alala kasi ako nung nawala ka, san ka ba nagpunta at bigla ka nawala nang isang taon alam mo bang hinanap kita saang parte naroon?" He said bakas rin ang pagalala sa kanyang mukha, kaya bigla akong naguilty although it is not my fault kung bakit nawala ako pero kasalanan ko parin kung bakit sila nag alala saakin.

Ningitian ko naman si Jelo ng sensiro at hinawakan ang kanyang kamay, nakita ko naman ang biglaang pagpula ng kanyang tenga kaya hindi ko maiwasang mapatawa.

"Le-lenora anong nakakatawa" He said while stuttering, ang cute naman niya hehehe

"I'm sorry ok? hindi ko kasi matandaan kung saan ako dinala ng liwanag na iyon pero di bale na nandito na ako" I lied, hindi ko naman pwede sabihin na kinuha ako ng isang Goddess at pinakita ang aking nkaraan at ang future baka akalain pa nito nabaliw ako. 

"Wag mo na ulit iyon gagawin Lenora talagang lubusan akong nag alala" he said habang may mukha na nagsusumano, when did Jelo be like this ang sa pagkakaalam ko ang Jelo na nakilala ko ay lagi akong inaasar at isa pa hindi siya ganito saakin, nakakapanibago.

Reincarnate into the Novel ( UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon