Masaya silang lumabas ng simbahan, linggo ngayon at kakatapos lang ng misa. Hindi na siya nagulat sa sunod-sunod na pagbati sa kanila ng mga tao lalo na sa kanyang ama at ina, kilalang-kilala kasi ang pamilya nila rito sa kanilang bayan maging sa ibang lugar. Hindi maipagkakaila ang kanilang kayamanan dahil sa malawak nilang lupain, halos lahat ng mga tao rito ay namamasukan sa kanila upang magtrabaho sa malawak nilang nasasakupan.
"Magandang umaga Don Gregorio at Doña Felicidad," masayang bati ng mayor sa kanyang ama at ina.
"Magandang umaga rin Mayor Lito," masayang tugon ng mag-asawa, tumingin sa kanya ang mayor at saka ngumiti.
"Magandang umaga rin sa 'yo binibining Aryana," malugod na bati nito, ngumiti siya at tumango bilang pagbati.
"Magandang umaga rin po sa inyo," masayang saad niya rito.
Nakatira sila sa bayan ng Los Baños na masasabi niyang hindi nawawala ang bakas ng pagkapilipino ng mga tao, ang pananalita at kilos dito ay tila nasa makalumang panahon ka pa rin kahit kalat na rito sa lugar ang iba't ibang uri ng gadgets at mga kagamitan tulad sa lungsod.
Ngunit kahit gano'n ay hindi ka maaring magsalita o kumilos nang masasama tulad doon, ang mga kasuotan at paggalang sa babae ay nananatili sa kaugalian ng mga tao rito, hangga't maari ay hindi ka dapat kumikilos o sumisigaw katulad ng kanyang mga napapanuod at nakikita sa ibang lugar lalong-lalo na sa Maynila.
"Ama, maari po bang mauna na kami ni Malia sa sasakyan?" nahihiyang tanong niya sa kanyang ama dahil abala ito sa pakikipag-usap sa mayor.
"Sinabi ko naman sa iyo na huwag na huwag kang basta-bastang nasingit sa usapan Aryana," suway nito sa kanya kaya agad siyang napatungo.
"Patawad po," paumahin niya rito.
"Sige na anak, mauna na kayo sa sasakyan," saad ng kanyang ina saka ito tumingin sa kanyang likuran. "Malia? Ihatid mo na ang iyong binibini." Mabilis na lumapit sa kanila si Malia.
Ito ang kanyang tagapagsilbi, nakalakihan na niyang may kasamang katulong kahit saan siya pumunta kaya naman sanay na siya rito. Si Malia ang anak ng dati niyang tagasilbi, nagkasakit iyon at hindi kalaunan ay namatay kaya naman ito na ang pumalit sa pwesto ng ina, masaya naman siya dahil halos ka-edad lang niya ito, madami rin silang napagkakasunduang mga bagay kaya kaibigan na ang turing niya kay Malia at hindi basta tagapagsilbi lang.
Tumingin muna siya sa kanyang ama at kay mayor upang magpaalam, matapos noon ay naglakad na sila ni Malia patungo sa parking lot.
"Malapit na ang fiesta, malapit na rin sa iyong ipamahala ang inyong mga ari-arian," masayang saad nito.
"Ang totoo niyan ay hindi ako masaya, wala akong alam tungkol sa aming negosyo, malusog naman sila ni ina hindi ba?" nag-aalalang tanong niya rito.
Naisip niya kasi na baka isa sa dahilan ng mga ito ay mayroong karamdamang sakit kaya maagang ibibigay sa kanya ang kanilang mga nasasakupan.
"Nasambit naman na sa iyo ang dahilan, gusto nilang maipasa na sa iyo ang inyong mga kayaman dahil iyan ang nakaugalian ng inyong henerasyon, dalawangpu't limang taon kana sa fiesta kaya sigurado akong magiging masaya iyon," masayang saad nito.
Napabuntong hininga nalang siya, tama si Malia, sa pamilya nila sinusunod ang kaugalian na kapag dumating kana sa edad na dalawangpu't limang taong gulang ay ipapasa na sa iyo ang pamamahala ng mga ari-arian. Kahit labag ito sa loob niya ay wala na siyang ibang magagawa, nag-iisa siyang anak kaya walang ibang mamamahala ng kanilang mga ari-arian kundi siya lamang.
"Binibini!" agad silang napatingin kay Mang Hermes, ang kanilang driver. "Nasaan ang iyong ama at ina?" tanong nito saka siya pinagbuksan ng pinto.
"Mang Hermes naman, sinabi ko naman sa inyo na Arya nalang ang itawag niyo sa akin kapag wala sila ama, pakiramdam ko talaga ay nasa panahon pa rin ako ng gyera," reklamo niya rito.
BINABASA MO ANG
Voyage in Time
Science FictionSi Aryana Anchilles ang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian, sa murang edad ay ipapamalas ito sa kanya ng kanyang mga magulang sa mismo niyang kaarawan, subalit hindi inaasahan ang sakunang mangyayari. Pinagtangkaan siyang halayin sa mismong araw...