Mabilis na nilapag ni Malia ang isang tray na may lamang mga pagkain at gamot, nag-aalala itong lumapit at naupo sa tabi ni Aryana dahil bakas pa rin ang pamumutla sa mukha nito.
"Binibini? Ayos ka lang ba?"
"Hi—hindi nila ako maintindihan Malia, alam nila ang dahilan kung bakit takot na takot ako sa pamilyang iyon ngunit tila hindi pa rin sa akin naniniwala sila ama," mangiyak-ngiyak na sagot niya rito. Mabilis na hinawakan ni Malia ang kanyang mga kamay upang siya ay pakalmahin.
"Nais mo bang tawagan ko si binibining Clara?"
"Mas mainam iyan, nais ko siyang makausap ngayon."
Tumayo si Malia, kinuha nito ang cellphone upang tawagan si Clara, nang sumagot ito ay nag-mamadaling inabot sa kanya ni Malia ang cellphone.
"Hello? Malia? May problema ba?" sunod-sunod na tanong ni Clara mula sa kabilang linya.
"Ako ito," agad siyang napakagat labi upang pigilan ang maiyak at muling manginig sa takot.
"Arya? Anong nangyari? Nakita ko ang sasakyan ng mga Salazar kanina, nagkita na ba kayong muli nila Mateo?"
"Ang totoo ay iyan ang aking problema, maaari ka bang pumunta rito?"
"Haaay! Aakyat nanaman ako sa iyong bintana? Oh siya, sige, papunta na ako."
Pinatay na ni Clara ang tawag kaya naman muli na niyang binalik kay Malia ang cellphone, tumayo siya at saka huminga ng malalim upang tulungan na pakalmahin ang sarili.
"Binibini, nais ng iyong ama na patingnan ka sa manggagamot."
Agad siyang napatingin kay Malia dahil sa sinabi nito, nagbilin siya sa kanyang ina bago ito bumalik sa hapag kainan na huwag na itong magpatawag ng manggagamot ngunit mukhang ang kanyang ama nanaman ang masusunod.
"Maari mo bang sabihin na mahimbing na akong natutulog?"
"Kung iyan ang iyong nais, maglalakas loob akong harapin sila Don Gregorio sa baba," ngumiti siya kay Malia bilang pasasalamat.
"Pupunta rin dito si Clara, pwede mo ba siyang salubungin sa ibaba?"
Agad na tumango si Malia, bago ito lumabas ng kanyang silid ay nagpaalam pa ito sa kanya at nagbilin na abangan si Clara sa labas.
Lumapit siya sa bintana upang buksan ito, ilang sandaling paghihintay lang ay tanaw na niya si Clara na dahan-dahang lumalapit patungo sa kanyang silid. Mas nauna itong nakarating kaysa kay Malia, rinig niya ang mahihinang pagtatalo ng dalawa bago tuluyang naka-akyat si Clara sa puno at tila sanay na sanay na kaya agad itong tumalon papasok sa kanyang silid.
"Aray!" Reklamo nito habang nakahawak sa tuhod na tumama sa sahig. "Kung hindi lang kita kaibigan ay hindi ko ito gagawin," saad nito habang nahihirapang tumayo at pasuray-suray na naupo sa kanyang higaan.
"Patawad Clara,"
"You're welcome, pero ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito, pilit siyang ngumiti at saka umiling. "Paano ka nga ba magiging maayos kung ang taong nagtangkang gahasain ka noon ay nandirito ngayon sa inyong pamamahay." Agad niyang naikuyom ang kanyang mga kamay dahil sa galit at puot.
"Bakit kahit paulit-ulit kong sinabi noon kala ama na si Mateo ang nagbalak sa akin ng ganoong bagay ay si Nathaniel pa rin ang pinag-iisipan nila ng masama?!"
"Tama na iyan, tapos ang lahat Aryana, ang totoo ay iyan sana ang sasabihin ko sa 'yong balita kanina, kalat na rito sa bayan ang pag-iisang dibdib niyo ni Mateo."
Agad siyang napaupo sa tabi nito, hindi siya makapaniwalang tuluyan na nga siyang ipagkakaloob ng kanyang ama sa pamilyang Salazar.
"Nasambit na ba nila sa iyo ang araw ng kasal?" nag-aalalang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Voyage in Time
Science FictionSi Aryana Anchilles ang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian, sa murang edad ay ipapamalas ito sa kanya ng kanyang mga magulang sa mismo niyang kaarawan, subalit hindi inaasahan ang sakunang mangyayari. Pinagtangkaan siyang halayin sa mismong araw...