Kabanata 5

6 1 0
                                    

Walang katumbas ang kanyang saya habang nakatingin sa salamin, maayos siyang nakauwe mula sa hacienda ng mga castillos, batid din niyang wala na kahit anong sama ng loob si Narissa sa kanya ngunit hindi makapagkakailang may lungkot ito dahil sa hindi paniniwala ng kanyang mga magulang kay Nathaniel. Hindi niya ito masisisi dahil siya ay ganoon din ang nararamdam mula sa kanyang mga magulang.

"Tila masayang-masaya ka sa iyong ginawa binibini," nagtatampong saad ni Malia habang nakaupo sa kanyang higaan, hindi niya maitago ang kanyang ngiti. Umupo siya sa tabi nito at saka niya hinawi ang buhok nitong nakabughaghag, maganda si Malia, hindi ito maipagkakaila.

"Patawad Malia, hindi ko ginustong takasan kayo kanina," mahinahong saad niya rito, lumayo sa kanya si Malia at saka napangiti nang nakakaluko kaya naman ganoon nalang ang kanyang pagtataka.

"Hindi mo ginusto? Ngunit hindi iyan ang sinasaad ng iyong mukha binibini," pangungutya nito.

Umiwas siya kay Malia ng tingin at palihim na humawak sa kanyang pisngi, hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti sapagkat nagsasabi ito ng totoo. Sadyang hindi nga maipagkakaila ang sayang nararamdaman niya ngayon.

"Patawad Malia ngunit tama ka," nahihiyang saad niya rito. Hinawakan ni Malia ang kanyang balikat dahilan kung bakit siya napatingin dito.

"Masayang-masaya ako para sa iyo binibini, lalo na't ngayon ko na lang nakita ang ganyang ngiti mula sa iyong mga labi," hindi na niya napagilan ang kanyang pagngiti, walang na ngang gaganda pa sa kabutihang loob na mayroon si Malia.

Parehas silang napatingin sa pinto nang makarinig sila ng dalawang katok mula sa labas.

"Pasok," matipid niyang tugon, tumayo si Malia sa kanyang higaan nang makita nito Manang Rosa sa pinto. Matiim ang tingin nito kay Malia kaya naman agad ring tumayo si Aryana at saka niya palihim na tinago si Malia sa kanyang likod.

"Ano ang iyong nais?" Mahinahong tanong niya sa mayordoma.

"Binibini, pinatatawag ka po ni Don Gregorio, nariyan na raw po ang magsusukat sa iyo upang gawaan ka ng dress para sa nalalapit mong kaarawan," mabilis na sagot nito.

"Salamat, susunod ako." Mabilis na tumango si manang Rosa at saka sinara ang pinto ng kanyang kwarto.

"Tila nawala ang iyong ngiti," basag ni Malia sa saglit na katahimikan. Pakikipag-isang dibdib kay Mateo. Iyan na ang tumatak sa kanyang isipan kapag naaalala niya ang nalalapit niyang kaarawan.

"Ayos lamang ako Malia, mabuti pa't sumunod kana kay manang Rosa sa labas," nagdadalawang isip man si Malia ay wala itong ibang kundi sundin ang kanyang sinabi.

Matapos ang saglit na paghahanda ay lumabas na rin siya ng kanyang silid, naabutan niya sa kanilang malawak na sala ang isang babae. Ito ang pinakamagaling gumawa ng mga magaganda at mamahaling damit sa kanilang bayan. Simula pagkabata ay ito na rin ang gumagawa ng kanyang mga dress sa tuwing may malalaking okasyon sa kanilang pamilya.

"Kinagagalak ko pong makita kang muli binibini," saad nito at saka magalang na tumungo sa kanyang harapan. "Ganoon din ako," sagot niya rito.

"Naipakita na sa akin ni Donya Felicidad ang desenyong aking gagawin, maaari ko na po kunin ang iyong sukat?" Tumingin siya sa kanyang ina na nakaupo sa mahabang sofa, ngumiti ito sa kanya at saka tumango. Maging sa pagpili ng kanyang susuotin ay wala siyang magawa, huminga siya nang malalim bago tumango at pilit na ngumiti sa babae.

"Napakaganda." Halos mapatalon siya sa gulat dahil sa biglaang pagdating ni Mateo kasama ang misteryusong kapatid nito na si Mark Angelo. Agad na napatayo ang kanyang ina at mabilis na lumapit sa mga panauhin.

"Hindi ko inaasahan ang inyong pagdating," saad ni Donya Felicidad sa mga ito, tumingin sa kanya si Mateo at saka ngumiti, ganoon nalang ang kanyang kabang nararamdaman ngayon kaya naman agad siyang umiwas ng tingin dito.

Voyage in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon