Kabanata 2

21 2 0
                                        

Napapikit si Aryana upang langhapin ang sariwang hangin, malapit sa taryer itong magandang harden ng mga bulaklak kaya naman dito nila napiling pumunta ni Clara.

"Napakahigpit talaga ng ama mo, naaawa ako sa iyo dahil tatanda ka nalang yata na ganyan iyang buhay mo."

Agad siyang napalingon kay Clara dahil sa sinabi nito, ngumiti siya ng pilit, kahit may suot siyang belo ay alam nito ang tunay niyang nararamdaman.

"Nag-iisang anak ako, naiintindihan ko kung bakit gano'n kahigpit si ama, kaya ikaw ay bawas-bawasan mo ang pang-aasar kay Malia, takot din kasi iyong masermunan," aniya.

"Alam ko naman 'yon! Kayo yata ang hindi may alam sa salitang joke! Makaluma kasi kayo, paano kung hindi mo ako naging kaibigan? Sigurado akong napakaboring ng buhay mo."

Tumango-tango nalang siya bilang tugon dito saka siya napatawa. Ang totoo niyan ay tama ang sinabi nito, siguradong nakakabagot ang kanyang buhay kung hindi niya nakilala itong si Clara.

"Ang totoo niyan ay natatakot ako." Napatungo siya, sa tuwing pumapasok sa kanyang isipan na siya na ang mamamahala ng kanilang mga ari-arian ay hindi niya maiwasan ang hindi kabahan.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka naman papabayaan ng iyong ama, shit! Pati ako ay nagiging makaluma na rin," agad siyang natawa dahil sa sinabi nito.

"Tanggapin mo nalang kasi ang katutuhanan na lahat naman talaga tayo ay lumaki sa makalumang bayan na ito," natatawang saad niya rito.

"Oo nalang! Nauuhaw ako, bumili muna tayo roon." Sinipat niya ang tindahan na tinutukoy nito.

"Clara, hindi mo ba nakikita? Ang daming kalalakihan doon." Agad na umiling si Clara kaya napabuntong hininga nalang siya.

"Huwag kang matakot, hindi ka mabubuntis ng mga lalaking iyan dahil lang sa tingin at isa pa may suot kang belo! Halika na dahil nanunuyo na talaga ang lalamunan ko."

Hindi na siya nakaangal dahil hawak na nito ang kanyang kamay, nahihiya siya dahil sa suot niyang belo ngunit mas mainam na ito kaysa malaman ng kanyang ama ang pagsisinungaling na sinabi niya sa kanilang mayordoma kanina.

"Clara! Sino iyang binibini na kasama mo?"

Agad siyang napatungo, inayos niya ang suot na belo upang makasiguradong hindi siya makikilala ng mga tao rito sa tindahan.

"Pinsan ko, galing pa iyan sa year 1980's kaya huwag kang paluko-luko, baka pakainin ka ng bala ng baril niyan," biro nito, agad na napatawa ang mga tao maging ang tindira kaya kulang nalang ay higitin niya itong si Clara para lang makaalis na sila rito.

"Mapagbiro talaga, pero kung titingnan mabuti ay tila nakikilala ko ito," agad siyang napaatras dahil sa paglapit sa kanya ng isang lalaki.

"Hoy! Distansya! Manang tubig nga, saka isang coke at samahan mo na din ng piattos."

Lalong dumami ang mga tao kaya naman agad siyang napalayo kay Clara, kinakabahan na siya dahil sa takot na baka makilala siya ng mga ito.

"Binibini?"

Agad siyang napalingon sa isang ginang na tumawag sa kanya, napansin niyang nakaharang siya sa daan kaya mabilis siyang tumungo at nahihiyang gumilid.

Nasaan na ba si Clara? Hindi pa ba siya tapos bumili? Ginala niya ang kanyang paningin, nakita niyang papunta na ito sa kanya kaya naman agad niya itong sinalubong, nanatili siyang nakatungo dahil sa dami ng taong nakatingin sa kanya dahil sa suot niyang belo, siya na mismo ang humawak sa kamay ni Clara at saka niya ito mabilis na hinigit palayo sa tindahan.

"Napakatagal mo! Hindi mo ba alam na kanina pa ako tinitingnan ng mga tao dahil sa belong suot ko!" reklamo niya rito, hindi sumagot si Clara kaya gano'n nalang ang kanyang pagtataka.

Voyage in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon