"At iyan ang kwento ng bundok ng Maria Makiling," saad ng pamilyar na boses at ingay sa paligid na ani mo'y manghang-mangha sa narinig na kwento.
Hindi mawari ni Aryana kung siya ba ay nananaginip, ang alam niya'y nasa tuktok siya ng bundok makiling ngunit tila napakaraming tao ngayon sa kanyang paligid, nalaman ba ng mga ito kung saan siya naroon?
"Sa sobrang ganda ng kwento ay may nakatulog na sa ating klase," agad na napatawa ang tao sa paligid, ramdam niya ang pagkulbit sa kanya ng kung sino. Wala siyang gana at hindi niya ito pinansin, ang buong akala niya ay siya'y patay na, ngunit plano yatang gamutin siya ng kanyang ama upang matuloy ang kanyang kasal kay Mateo.
"Aryana—aryana," sunod-sunod na tawag sa kanya ng isang tinig.
"Miss Anchilles? Nakakaantok ba ang kwento? Sana ay tunay na lesson nalang natin ang aking tinuran upang hindi ka nakatulog," muling tumawa ang mga tao sa kanyang paligid na tila ba ay nasa loob sila ng isang silid.
"Aryana! Aryana gising." Agad siyang napatayo nang hawakan siya ng isang lalaki sa kanyang balikat, namimilog ang kanyang mga mata nang makita niya si Mateo, agad siyang lumayo rito, kapwa sila parehas gulat na gulat, ang mga tao naman sa paligid ay natawa pa sa kanyang naging reaction.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ako magpapakasal sa iyo!" malakas at may halong pagbabanta na saad niya rito, nawala ang kanyang takot nang marinig niya ang malakas na tawa ni Clara. Nakaupo ito sa harap ng maliit na mesa, nakasuot sila ng uniporme na animo'y mga dalagitang mag-aaral.
"At bakit ka naman papakasalan ni Mateo?," natatawang tanong ni Clara sa kanya, umiling naman si Mateo bilang pagpigil kay Clara sa pang-aasar nito kay Aryana, pansin nitong wala siya sa kanyang sarili.
Ginala ni Aryana ang kanyang paningin, nasa loob sila ng isang silid paaralan, lahat ng mga nakatingin sa kanya ay kunot ang noo at nagtataka sa kanyang sinabi at kinikilos katulad ng kanyang guro sa unahan.
"Ba—bakit ako nandirito? Nasa bundok ako ng makiling!" muling umingay ng tawanan ang buong klase, napakamot naman sa ulo ang kanyang guro at saka napailing-iling.
"Binibining Anchilles, ang kwento na tinuran ko ngayon sa inyo ay tungkol kay Maria Makiling, batid kong nananaginip ka lamang," natatawang saad nito.
"Ayos ka lang ba Arya?," nag-aalalang tanong sa kanya ni Mateo, hahawakan sana siya nito ngunit agad siyang umiwas.
Takot at pagtataka ang nananalaytay sa kanyang buong katawan ngayon, sigurado siyang nasa bundok siya ng Makiling, sigurado siyang wala siya dapat sa panahong ito, paano siya napunta rito? Nananaginip ba siya? Hindi na niya mawari ang kanyang gagawin, napasabunot pa siya sa kanyang buhok dahilan kung bakit napalitan ng pag-alala ang nararamdam ng kanyang mga kamag-aral at guro.
"Aryana!" sabay na sigaw ni Mateo at Clara nang tumakbo siya palabas ng klase.
Takang-taka si Aryana habang nakikita niya ang paligid, anong ginagawa niya sa kolehiyo? Gulong-gulo ang kanyang isipan habang tumatakbo, rinig niya ang paghabol at pagtawag sa kanya ni Clara at Mateo.
"Mahabaging bathala, bakit ako nandirito?," tanong niya sa kawalan.
Dahil wala sa sarili ay hindi na namalayan ni Aryana ang pagbangga niya sa misteryusong lalaki.
"Fuck!" mura nito na siyang nagpatigil ng kanyang mundo, hindi siya maaaring magkamali, namimilog ang kanyang mga mata, walang pag-aalinlangang tiningnan ang lalaking nabangga niya.
"Ma—mahal ko," naluluhang wika niya, agad namang naningkit ang mga mata ni Nathaniel. Napakahawak sa kanyang bibig sa Aryana, walang tigil sa pagluha ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Voyage in Time
Science FictionSi Aryana Anchilles ang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian, sa murang edad ay ipapamalas ito sa kanya ng kanyang mga magulang sa mismo niyang kaarawan, subalit hindi inaasahan ang sakunang mangyayari. Pinagtangkaan siyang halayin sa mismong araw...