Malakas na sampal sa kanyang pisngi ang agad na sumalubong kay Aryana pagkapasok pa lamang niya sa kanilang gate. Ganoon nalang ang kanyang gulat, maging ang kanyang ina at ni Malia.
"SUWAIL KA!" Sigaw ni Don Gregorio, akmang sasampalin ulit nito si Aryana ngunit agad itong napigilan ni Donya Felicidad, mabilis din siyang niyakap ni Malia upang hindi siya masaktan ng sariling ama.
"Huwag mo akong pigilan! Nilapastanganan tayo ng sarili nating anak, nakita siyang kasama ang dating nasa presong binata! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag na huwag kang makikipagkita sa Nathaniel na iyon?!" halos mapatid ang ugat sa lalamunan ni Don Gregorio dahil sa galit.
"Patawad po, patawad po sapagkat nagkulang ako sa pagbabantay sa binibini at———,
hindi na natapos ni Malia ang kanyang sasabihin nang sampalin din siya ni Don Gregorio, dahil sa lakas ay agad na natumba sa lupa si Malia, galit at takot ang naramdaman ngayon ni Aryana.
"Isa ka pa! Walang kwentang hampas lupa, lumayas ka sa aking pamamahay." Pagapang na lumapit si Aryana sa katulong at mangiyak-ngiyak nang makita niyang dumugo ang labi nito at namumula ang pisngi dahil sa pananakit ng sarili niyang ama sa kaibigan.
"Tama na! Huwag ngayon mahal, malaki ang gaganaping handaan bukas——,
"Wala akong pakialam," pigil ni Don Gregorio sa sasabihin ng asawa.
"Patawad po! Pakiusap, huwag niyo akong palayasin, isa ako sa inaasahan ng aking ama sa aming tahanan." Mas lalong naawa si Aryanang nang lumuhod si Malia. Agad siyang umiling at magtatangkang lumapit sa ama ng akmang sasaktan nanaman siya nito, mabuti na lamang ay nayakap agad ito ni Donya Felicidad.
"Ama! Tama na! Kasalanan ko ito, walang alam si Malia," mangiyak-ngiyak na pakiusap niya kay Don Gregorio, galit na umiling ang Don. Ginala nito ang paningin at agad na kinuha ang nakitang walis ting-ting dahilan kung bakit siya mas natakot.
"Akala niyo ba ay madadala niyo ako sa pakiusap?! Si Mateo ang makakapangasawa mo ngunit ikaw ay nakikipagtagpo sa taong may sala!" Hahampasin sana siya ng sariling ama ngunit mabilis siyang nasagip ni Malia, gano'n nalang ang kanyang awa dahil kitang-kita niya ang sakit na naramdaman nito.
"Talagang nakikisali kang hampas lupa ka?! Hindi ba't sinabi ko sa iyong lumayas ka sa pamamahay ko?! Kapag nagmatigas ka ay pati ang iyong ama ay aalisan ko ng trabaho." Paulit-ulit at galit na galit na hinampas ni Don Gregorio si Malia, lalapitan niya sana ito ngunit ganoon nalang ang kanyang gulat nang hawakan siya nang mahigpit ng kanilang dalawang tauhan. Hindi na malaman ni Aryana kung ano ang kanyang gagawin, hindi niya akalain na magiging ganito kalupit ang kanyang ama.
"TAMA NAAAAA!" Malakas at galit na sigaw ni Aryana habang nagpupumiglas sa kanilang tauhan. Ngunit hindi iyon sapat dahil patuloy pa rin ang paghampas ng walis ni Don Gregorio kay Malia, malakas, malapnit at puno ng galit, maging si Donya Felicidad ay hindi makapaniwalang magiging duguan si Malia dahil sa kamay ng kanyang malupit na asawa.
"TAMA NAAA! Ama! Magpapatiwakal ako kapag pinagmalupitan at sinaktan niyo pa si Malia!" Agad na napatigil sa paghampas ang Don sa kaawang-awang katulong, napatawa ito na tila ay sinapian ng demonyo.
"Akala mo ba'y matatakot ako Aryana?! Sino ka para lukuhin ako? Sige nga't kumuha ka ng lubid at magpatiwakal ka sa aking harapan," labis-labis ang takot at galit ang naramdaman nilang mag-ina.
"Gre—gregorio? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Si Aryana ay nag-iisa nating anak," maluha-luhang sambit ni Donya Felicidad sa asawa. Habang ang Don naman ay hindi pa rin nawawala ang galit.
"Kung iyan din naman ang aking anak! Mainam pang mawala siya, labis-labis ang kahihiyang ginawa niya sa akin, at dahil diyan ay pagkatapos ng iyong kaarawan, kasal niyo naman ni Mateo ang ating gaganapin!" Agad na napaupo sa lupa si Aryana dahil sa labis na pagkadismaya, binato pa ni Don Gregorio ang hawak na walis kay Malia bago ito tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Voyage in Time
Science FictionSi Aryana Anchilles ang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian, sa murang edad ay ipapamalas ito sa kanya ng kanyang mga magulang sa mismo niyang kaarawan, subalit hindi inaasahan ang sakunang mangyayari. Pinagtangkaan siyang halayin sa mismong araw...