Hindi na niya mabilang kung ilang tao na ang bumati sa kanya simula pagkababa pa lang ng sasakyan, tama ang sinabi ni Mang Hermes kanina, napakaraming magagandang mga bagay ngayon dito, halos lahat nga ay nais niyang bilhin ngunit hindi iyon maaari, alam niyang kakagalitan nanaman siya ng kanyang ama sa oras na gawin niya iyon.
"Binibini, may nakita akong tindahan ng aklatan doon," masayang saad ni Malia. "Batid kong mahilig ka sa mga aklat at kuwaderno na yari sa makalumang bagay, halika, tumingin tayo." Lumingon siya kay Clara at agad naman itong sumang-ayon.
Mabilis ang kanilang mga hakbang patungo sa tindahan hanggang sa tuluyan nila itong narating, gano'n nalang ang kanyang saya habang nakatingin sa mga aklat at natatanging mga kuwaderno.
"Ang gaganda," hindi niya malaman kung ano ang kanyang hahawakan dahil lahat ito ay maganda para sa kanyang paningin.
"Naku! Para nanamang bituin sa langit iyang mga mata mo, ilang notebook ba ang kailangan mo? Tinatambak mo lang naman 'yan sa kwarto mo," saad ni Clara, napangiti nalang siya dahil nagsasabi naman ito ng totoo.
Hilig niya ang magsulat, nakakahiya man para sa kanyang aminin ngunit hanggang ngayon ay mayroon pa rin siyang talaan, kapag may nakakatuwang nangyayari sa kanya ay hindi niya ito nalilimutang isulat sa diary.
"Mukhang kailangan ko nito, rito ko isusulat ang mga ibibilin sa akin ni ama tungkol sa aming negosyo." Agad na napatango si Clara.
"Oo nga naman, oh sige, pumili kana, ililibre kita." Lumingon ito kay Malia na nananatili sa kanilang likuran. "Pumili ka rin ng gusto mo, Korean words naman ang ituturo ko sa iyo sa susunod na araw," napatawa siya dahil sa sinabi nito.
Matagal na nilang tinuturuang mag-aral si Malia dahil hindi ito nakatungtong sa paaralan, maaga kasi itong nanilbihan sa kanila dahil sa pagpanaw ng ina nito. Si Malia ang panganay sa limang magkakapatid, ang ama naman ng mga ito ay nagtatrabaho sa kanilang malawak na lupain at mga taniman.
"Binibining Clara naman, hindi nga ako matuto sa English, Korean pa kaya," reklamo nito, parehas silang napatawa ni Clara, agad niyang tinakpan ang kanyang bibig dahil hindi kaaya-ayang makita ng ibang mga tao ang pagtawa ng mga kababaihan, iyan ang isa sa bilin ng kanyang ama.
"Magaling ka Malia, sadyang istrekto lang si Manang Rosa kaya hindi ka makapag-aral doon sa mansyon nila Arya," saad ni Clara.
Inabot niya ang mga napiling kuwaderno sa tindera, tila namangha pa ito nang makilala siya.
"Binibing Aryana, habang tumatagal ay mas lalo kang gumaganda, iyan siguro ang epekto ng pag-ibig." Agad siyang napatungo dahil sa hiya. "Sadyang napakaswerte ni Ginoong Mateo dahil ikaw ang kanyang magiging kabiyak," gano'n nalang ang kanyang gulat dahil sa sinabi nito.
"Binibini, ako nalang ang kukuha ng iyong mga pinamili," saad ni Malia, pilit siyang ngumiti rito at sa tindera bago tumalikod sa mga ito.
Hindi niya akalain na kakalat na talaga ang balitang iyon dito sa kanilang bayan, habang naglalakad-lakad siya ay pansin niya ang isang tindahan ng mga alahas na yari rin sa makalumang bagay. Nilingon niya muna sila Malia bago magtungo sa tindahan, hindi naman siya malayo sa mga ito kaya malakas ang kanyang loob na maningin muna ng mga paninda rito habang hinihintay niyang matapos doon sila Malia.
Namamanghang hinawakan niya ang isa sa mga nakasabit na kwintas, kulay silver ito at hugis puso ang pendant habang ang lace naman nito ay kulay brown leather string. Kung hindi siya nagkakamali ay pwedeng lagyan ng larawan ang loob nito.
"Why don't you buy it?"
Agad niyang nabitawan ang kwintas, namimilog ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala kung sino ang kanyang katabi ngayon.
BINABASA MO ANG
Voyage in Time
Science FictionSi Aryana Anchilles ang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian, sa murang edad ay ipapamalas ito sa kanya ng kanyang mga magulang sa mismo niyang kaarawan, subalit hindi inaasahan ang sakunang mangyayari. Pinagtangkaan siyang halayin sa mismong araw...