Kabanata 8

4 1 0
                                    

Tila nagningning ang mata ng mga tao nang makita siya, kakatapos lamang siyang ipakilala ng kanyang ama, dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan habang suot ang magarbo at kulay lilac na gown, napakaraming tao sa kanilang tahanan ngayon, mayroon pa ngang iba ang lahi, nawala ang kanyang ngiti nang salubungin siya ni Mateo, wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang nakaalok na kamay nito sa kanyang harapan, ito ang kapalit ng pananatili ni Malia sa kanilang tahanan, hindi niya maaring ipahiya si Mateo sa harapan ng mga bisita, lalong-lalo na ang kanyang ama.

Tila nanindig ang kanyang mga balahibo sa katawan nang hagkan ni Mateo ang likod ng kanyang palad, makapigil hininga rin nang lumapit ito sa kanyang tainga upang bumulong.

"Napakaganda mo ngayong gabi aking binibini," agad siyang lumayo sa binata dahil sa sobrang takot, maraming taon na ang lumipas ngunit tila nararamdaman pa rin niya ang pilit na paghalik at haplos nito noon sa kanya nang pagtangkaan siya nitong halayin.

"Napakaganda mo hija, happy birhday," bati sa kanya ng Mayor, tila nakahinga siya nang maluwag dahil napalayo siya ng kunti kay Mateo.

"Maraming salamat po Mayor," magalang na sagot niya rito.

Tumigil ang ingay sa paligid nang itaas ni Don Gregorio ang kamay nito na may hawak na champagne glass.

"Muli ay salamat sa inyong pagdalo sa ika-25 na kaarawan ng aking nag-iisang anak na si Aryana." Agad na tumango ang mga tao sa paligid na tila ay naaaliw pa rin siyang pagmasdan dahil sa kakaiba niyang kagandahan. "Masaya ko sa inyong ibabahagi ang magandang balita." Dagdag pa nito. Hindi rin maalis ang kakaibang saya ni Donya Filicidad habang nakatingin kay Aryana.

Tumingin si Don Gregorio sa kanya pati na rin kay Mateo, huminga siya nang malalim bago muling mapalapit sa binata, pansin niya ang kakaibang titig sa kanila ni Mark Angelo at ang ngiti naman ni Don Marcelo ay halos abot langit na para bang nanalo ito sa isang paligsahan at mayroong matatanggap na malaking gantinpala.

"Para sa aking mga tauhan, batid kong alam niyo na simula ngayon ay si Aryana na ang mamamahala ng aking mga ari-arian at siya na din ang inyong magiging bagong amo, nawa'y ituring niyo siya kung paano niyo ako tinuturing, hindi ko hahayaang iwalang-bahala niyo lamang ang aking anak sa pagkat siya ay isang babae,"panimula ni Don Gregorio, agad naman na tumungo ang kanilang mga tauhan upang magbigay galang sa kanya. Ngumiti siya sa mga ito bilang pasasalamat.

"At ang isa sa magandang balita ay ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng aking anak at ng matikas na anak ni Don Marcelo na si Mateo." Napapikit siya sa gulat dahil sa pagputok ng fireworks sa kalangitan, abot langit ang tuwa nina Don Marcelo at Don Gregorio saka nagkampay ng basong hawak ang mga ito.

Napahinga siya nang malalim sa biglang paghapit ni Mateo sa kanyang baywang, ganoon nalang ang kanyang takot nang ngumiti ito na para bang kinasal na sila sa harap ng maraming tao, nagmamadali siyang lumayo sa binata ngunit mahigpit ang kapit nito sa kanyang baywang, imbes na takot ay mas lamang ang galit na nararamdaman ni Aryana ngayon.

"Wala ka nang kawala Aryana, ipapangako ko sa iyong ako na ang makakasama mo habang buhay," maingay man ang paligid ay dinig na dinig niya ang sinambit nito, nag-ipon siya ng lakas upang muling kumawala sa pagkakayakap nito sa kanyang baywang, hindi naman siya nabigong makalayo dito. Ngumisi siya dahilan kung bakit mas lalong napangiti ng may pagbabanta si Mateo.

"Kung ang aking ama at ina ay napaikot mo Mateo pwes ay ibahin mo ako," tinitigan niya ng mariin ang binata, "makasama mo man ako habang buhay ay hinding-hindi mo pa rin makukuha ang puso ko Mateo!," tila lalong nagalit si Mateo ngunit mas galit siya, matiim ang kanyang titig sa binata bago niya ito tuluyang iwan sa gitna ng madaming tao.

Sa kabilang banda naman ay nais sanang lapitan ni Clara ni Aryana dahil batid niya ang galit na nararamdaman ng kaibigan habang nakikipag-usap kay Mateo kanina, hindi naman inaasahan na mabangga siya ng isang katulong at matapon sa puting dress niya ang mga wine na dala nito.

Voyage in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon