Kabanata 6

4 1 0
                                    

"Malapit na ba tayo?" Gano'n nalang ang halakhak ni Nathaniel dahil sa muling tanong ni Aryana, napahawak pa ito sa tiyan at tila nawala ang naramdamang pagod. "At bakit ka tumatawa?" Dagdag na tanong pa nito na tila ay naiinis.

"Nasa kalahati palang tayo Yana, at paanong hindi ako tatawa ay pang-50 na tanong mo na yata iyan, madaming lakad pa, makakarating din tayo sa tuktok." Umupo ito saka kinuha ang sakbat na bag upang kunin ang tumbler, inabot ito ni Nathaniel sa napapagod na dalaga.

"Pasensya sapagkat hindi ako sanay na umakyat sa ganito kataas na bundok, tingnan mo at tirik pa ang araw." Agad na kinuha ni Aryana ang tumbler upang mainom ng tubig, umupo siya at tiningnan ang buong palagid, agad na nawala ang kanyang pagod. Nasa kalahati palang sila ngunit kita na niya ang ganda ng bundok makiling.

"It's beautiful right?" nakangiting tanong sa kanya ni Nathaniel, agad naman siyang tumango bilang pagsang-ayon.

"Hindi ko akalain na ang ganda ng bundok na ito'y kinakatakutan, gayo'ng ang ganda naman ng loob ni Maria Makiling sa umpisa palang, sadyang mga tao ang mali sa ating mundong ginagalawan," nanatiling nakangiti si Nathaniel, na-eenjoy niya kasi ang pagiging makaluma nito ni Aryana.

"Mas maganda ito sa taas, gutom kana ba? May dala rin akong pagkain," alok ni Nathaniel dito. Agad naman na umiling si Aryana at saka binalik ang tumbler kay Nathaniel. Tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo, muling bumalik ang kanyang enerhiya, nais na kasi niyang makarating tuktok ng bundok na ito.

"Sa taas nalang natin iyan kainin, halika na." Muling napangiti si Nathaniel nang iabot ni Aryana ang kanyang kamay rito. Agad itong tinanggap ng binata at muling ginabayan si Aryana upang magpatuloy sa pag-akyat ng bundok.

"Sigurado ka bang ayos lamang kala Narissa na hindi natin sila sinama rito?," tanong niya kay Nathaniel.

"Oum, alam ko namang iba ang trip mo sa trip ng mga iyon kapag nagsama-sama tayo eh," sagot nito sa kanya, agad na naisip ni Aryana si Malia.

"Ngunit si Malia, sigurado akong mag-aalala iyon sa akin," nangangambang tugon niya sa binata.

"Huwag kang mag-alala, nagsabi naman ako kay Narissa na sila na ang bahala sa kaibigan mo," hinihingal na tugon ni Nathaniel saka ito humarap sa kanya upang siya ay gabayan sa paghakbang.

Mahigpit ang kanyang kapit sa kamay ni Nathaniel nang mamali siya ng tapak at agad siyang napasubsob sa harapan nito.

Labis-labis ang kanyang kaba, hindi niya alam kung dahil ba ito sa takot na baka sa matitigas na bato siya nasubsob o dahil yakap-yakap siya ngayon ng binata. Parehas silang habol hininga at tila hindi niya alam ang kanyang gagawin.

"Are you okay?," agad siyang natauhan nang magsalita si Nathaniel, nahihiya siyang humiwalay ng yakap dito.

"Paumanhin, hindi ko sinasadyang—-,

Hindi na natapos ni Aryana ang kanyang sasabihin nang muli siyang higitin palapit ni Nathaniel upang yakapin. Muli, parang huminto nanaman ang kanyang mundo, sa pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang ay alam niyang mali ang basta-basta magpayakap sa isang binata, ngunit kapag si Nathaniel ang gumagawa nito sa kanya ay tila nawawala siya sa kanyang sarili.

———————————-***—————————

"Mas masaya sana tayo kung nandito si Ate Arya," wika ni Narissa habang kumakain ng ice cream, gano'n din naman si Malia at Clara na sabay tumango. Nandito sila ngayon sa playground at nanunuod sa mga batang masayang naglalaro.

"But it's okay, they need to treasure this day together," sagot ni Malia, agad na napatigil sa pagkain ng ice cream si Narissa at Clara dahil sa gulat. "Bakit? Pangit ba ako mag-english mga binibini?" Nahihiyang tanong ni Malia sa dalawa na agad namang umiling bilang tugon.

Voyage in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon