Preview

8.4K 201 25
                                    

"HAVE you found the baby?" An authoritative voice echoed along the silence of the throne hall. The emperor rests proudly on his gold throne, while his beloved empress stands demurely behind him, holding unto his shoulders.

"We have tried our best, your highness, but--"

"Fool!" The emperor's fist furiously pounded the armrest, his face instantly glowing a tint of red. "Behead him!"

"But your highness--!" The poor general captain struggled as the soldiers started to take him. "The child is nowhere to be found!" He tried breaking away while crying for an apology but the emperor showed no mercy.

Nanatili akong tahimik sa labas ng pinto, maingat na nakasilip sa siwang ng pintuan upang masaksihan ang pangyayari sa loob. Ngunit nang mamataang bubuksan na ng mga bantay ang pintong pinagsisilipan ko, ay maagap akong gumilid kasama ang tulak-tulak kong tray na naglalaman ng pagkain. Walang imik akong yumuko upang hindi nila pansinin ang aking presensya.

"Maaari ka nang pumasok." Saad ng isang sundalo sa akin. Yumuko ako sa kanya tanda ng respeto sapagkat mas mataas ang ranggo nito sa akin.

Nang makaalis ang mga ito ay pumasok na ako ng silid. Napakalawak nito at napakataas din. The ceiling consists of various mural paintings, portraying the history of our planet. Sa magkabilang gilid naman ay may nakalinyang iba't-ibang estatwa ng mga butihing bayani.

Sa buong minuto ng paglalakad ko sa gitna ay hindi ko tinangkang itunghay ang aking ulo sa mag-asawa. Isa iyong kabastusan para sa kanila.

"Your highness, narito na po ang inyong umagahan." Nang makarating ako sa kanilang harapan ay niluhod ko ang isang tuhod kasabay ng aking pagyuko sa kanila.

The emperor just motioned his hand to acknowledge my presence. Iyon ang senyales na maaari ko nang ihanda ang kanilang pagkakainan. Sa aking pagtayo ay may gintong mesang kaagad na lumitaw sa aking harapan, kaya naman sinimulan ko nang ilipat ang mga pagkain, mula sa tray na aking dala, patungo sa gintong mesang may mga nakaukit pang disenyo.

"Anong gagawin natin?" Nababahalang tanong ng emperatris. Inabala ko lang ang sarili sa pag-aayos. Malalim namang napabuntong-hininga ang emperador.

"Mahahanap din natin siya. Huwag kang mawalan ng pag-asa." Pagpapagaan ng loob ng emperador, ngunit ang boses nito ay nanatiling awtoritado.

"Natatakot ako," hindi na napigilan ng emperatris ang emosyon, tuluyan nang bumuhos ang mga luha nito.

Mula sa gilid ng aking mga mata ay nasaksihan ko ang pagkuyom ng kamay ng emperador. Malayo lang ang tingin nito habang ang emperatris ay nakakapit pa rin sa kanyang balikat habang umiiyak. Hindi ko pinahalata ang pasimpleng panunuod ko.

Ganoon pa rin ang eksena hanggang sa lisanin ko ang lugar. Hindi ko naman kinalimutang yumuko pa rin sa kanila bago ako umalis.

Sa aking pagtalikod ay lihim na gumuhit ang ngisi sa aking labi.

Hindi pa nila nahahanap ang bata... At sisiguraduhin kong hindi na nila mahahanap.

Inayos ko ang apron na nakapaikot sa aking bewang habang naglalakad pabalik sa kusina ng palasyo. Naroon ang mga kasama kong abala sa kani-kanilang ginagawa, ngunit nang makita nila ako ay kaagad nila akong pinagkaguluhan.

"Anong balita, Yda? Nahanap na raw ba iyong sanggol?"

Hindi ko muna sila pinansin, sa halip ay nagpatuloy ako sa lababo para maghugas ng kamay. Sumunod naman sila sa akin, sabik talagang makasagap ng balita.

'Til Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon