XVI

834 68 13
                                    

⚜ CHAPTER 16 ⚜

"ALORA? Saan ka pupunta?"

Saktong pagbukas niya ng pinto ay nakasalubong niya ang tiya. Akmang papunta pa lang ito ng kanyang silid.

Napakapit sa dulo ng damit ang batang Alora.

"Sa labas lang po, tiya. Gusto ko lang sulitin ang nyebe."

Marahan namang napangiti ang kanyang tiya. Yda realized that Alora had probably never experienced winter season, indicating why her niece might be excited for snow.

"Basta ay huwag ka lang magtatagal, ha? Baka magkasakit ka pa."

Kaagad namang tumango si Alora. "Opo, tiya."

Pagkatapos magpaalam ay kaagad na siyang naglakad papalabas ng bahay.

Mabilis na dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Halos walang naging tulong ang suot niyang jacket.

Napayakap siya sa sarili habang ang mga mata'y pinapasadahan ang kapaligirang nababalot sa nyebe. Halos wala siyang ibang makitang kulay kundi puti. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng nyebe mula sa kalangitan. Sa kanyang unang pag-apak ay lumubog pa ang paa niya sa makapal na nyebe.

Kung wala lang siyang pangamba sa puso ay paniguradong nagsasaya na siya ngayon. Ito ang unang beses na nakakita siya ng nyebe sa totoong buhay-na para sa isang walong-taong gulang ay kadiwang-diwang-pero ni hindi niya magawang ngumiti man lang.

Hindi ang nyebe ang dahilan ng kanyang paglabas ng bahay. Hindi niya nais sumalampak sa nyebe at gumawa ng snow angel, snowman, o kahit mga snowballs; hindi niya balak magsaya.

She can't rejoice when her soul is crying in despair.

Huminga siya nang malalim nang maabot ang hangganan ng bangin. Nilibot niya muli ang paningin, partikular sa alapaap, umaasang masisilayan ang taong pinakahihintay.

Dito ito parati lumilitaw. Mula sa mga makakapal na ulap ay papagaspas ang kanyang malalaking pakpak at lilipad, papalapit sa kanya.

That's what he's been doing for a year. Until last week, when he just suddenly vanished.

"Vio, na sa'n ka na ba?" Nag-aalalang bulong ni Alora sa sarili. Wala pa rin siyang humpay sa pagtitig sa mga ulap habang patuloy sa pagbuhos ang nyebe.

Namumuo na ang takot sa kanyang dibdib.

Paano kung may masamang nangyari rito? Paano kung sa gitna ng paglalakbay ay naaksidente na pala ito?

Napakagat siya sa kuko. Ang mas malala, kung may nangyari ngang masama rito, ay walang paraan para malaman niya. There's no way she would know. She doesn't even know where he lives!

Ngayon niya lang namalayang kahit isang taon niya nang kaibigan ang lalake, tila pa rin ito isang misteryo sa kanya. Ni katiting na impormasyon ay wala siyang alam sa kanya.

"Alora!"

Napalingon siya nang marinig ang tawag ng kanyang tiya. Namataan niya ito sa pinto ng bahay na sumesenyas na tila pinapabalik na siya.

Bumalik ang tingin niya sa alapaap. Isang araw na naman ng bigong paghihintay sa kanya.

Isang sulyap pa muli ang kanyang binaling sa ulap bago napagpasyang bumalik ng bahay.

Sinalubong siya ng tiya ng may nagtatakang tingin.

"Anong ginagawa mo roon? Akala ko ba ay naglalaro ka sa nyebe?"

'Til Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon