⚜ CHAPTER 7 ⚜
"BAKIT tila malungkot ang pamangkin ko?" Nag-aalalang tanong ni Yda kay Alora nang makitang hindi nito masyadong ginagalaw ang pagkain.
Matamlay namang napatingin si Alora sa kanyang tiya. Kasalukuyan silang naghahapunan sa hapag.
"Wala po tiya, namimiss ko lang sila mama."
That was half truth, half lie. Totoong namimiss niya na ang kanyang mga magulang, pero ang puno't dulo talaga ng kanyang kalungkutan ay dahil hindi na dumating ang kanyang hinihintay. Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik ang lalaki, ni anino nito ay hindi niya na nakita pa.
"Stay strong, Alora. Time will come." Pag-alo ni Yda. Hindi niya maiwasang maawa sa pamangkin. Gayunpaman ay wala siya sa pwesto para sabihin dito ang lahat.
Yda cleared her throat.
"Matapos nga pala nito ay may pupuntahan ako. Huwag kang lalabas ng bahay, maliwanag ba?" Paglilihis ni Yda ng usapan. Tumango naman si Alora habang patuloy na kumakain. "Hindi ako maaaring basta-bastang umalis ng palasyo kaya kailangan kong pormal na magpaalam. Babalik din naman ako bago magdilim. Kung sakaling magutom ka ay marami namang pagkain sa kusina. Huwag ka lang lalabas ng bahay, okay?"
"Okay po, tiya."
"Good."
Matapos silang kumain ay naghanda na ang kanyang tiya sa pag-alis. Nag-aabang lang naman siya sa sala habang pinagmamasdan ang aranya (chandelier) sa kisame, napapaisip siya kung paanong hindi nauupos ang mga kandila roon. Panigurado ay mahika ang dahilan.
"Lilisan na ako, Alora." Lumapit sa kanya ang tiyang handa nang umalis. "Ang mga habilin ko, ha? Sundin mo."
Tumango lang siya. Buong akala niya ay didiretso na ito sa pinto para lumabas, pero nangunot ang kanyang noo nang hindi ito umalis sa kinatatayuan. Sa halip ay may nilabas itong bagay mula sa bulsa ng bestida.
It's the round pendant.
Napaayos siya ng tayo.
"Para saan 'yan, tiya?" Taka niyang tanong kahit may ideya na siya.
"I need to teleport, para mas madali."
Pagkasabi nito no'n ay wala pang isang minuto ay may lumabas na'ng simbolo sa paanan ni Yda. Ngunit hindi iyon kapareho ng simbolong lumabas sa kanya noong lisanin niya ang kanyang planeta. Ang simbolong gumuhit sa tiya ay patong-patong na mga hexagon na may bilog sa loob. Hindi rin ginto ang liwanag no'n kundi kulay lila. Sabay-sabay na umiikot ang mga hexagon, at nang mabuo no'n ang isang partikular na ayos, lumiwanag ang mga hugis ng nakakabulag na kulay dilaw.
Naitakip niya ang braso sa mata. Nang mawala ang liwanag at tignan niya ang tiya, wala na ito ro'n.
Ilang beses siyang napakurap.
She was struck for a minute. It would probably take time before she gets used to those kinds of magic.
She shook her head before quickly heading back to her room.
PAGBALIK niya sa kanyang silid ay matamlay siyang umupo sa kama. Kung gaano siya kasabik noon, gano'n siya kadismaya ngayon. She hoped too much.
Napapabuntong-hininga na lamang siyang nahiga ng kama. Ipipikit na sana niya ang mga mata nang may mamataan siya sa kanyang tabi.
Napabalikwas siya ng bangon.
"Billy!"
Nabibigla niyang kinuha ang teddy bear at mahigpit na yinakap. Walang masidlan ang kasiyahan niya. Akala niya ay tuluyan nang nawala ang teddy bear. Nakasama kasi ito sa pagbagsak niya sa tubig.
BINABASA MO ANG
'Til Our Next Eclipse
FantasyIn a battle between beings of the sun and the moon... who would conquer? If the playful universe decided to place you and your beloved into different factions, would you rather lose to let your love win? Or would you rather win and let your beloved...