⚜ CHAPTER 6 ⚜
MAHAMOG ang paligid at malamig ang ihip na dala ng hangin. Iyon ang bumungad kay Alora pagkalabas niya ng bahay. Madaling araw pa lamang pero hindi siya makatulog nang maayos kaya pinagpasya niyang lumabas na lang. Tila nga'y nagmistulang usok na ang hamog sa kapal, pero hindi iyon naging sapat para bumalik siya sa loob.
Instead, she walked towards the end of the cliff. Sinakop ng kanyang paningin ang kalawakan ng dagat. Kalmado ito at naghahatid iyon ng kapayapaan sa kanyang magulong utak at kalooban.
Maingat siyang umupo sa dulo ng bangin. Umihip ang malamig na hangin at tumangay sa pag-ihip ang kanyang buhok. Humigpit ang kanyang yakap sa teddy bear na si Billy.
Tahimik lang siyang nakaupo. Iniisip ang mga pagbabago sa kanyang buhay, lalo na ang kanyang mga magulang at ang pag-uusap nila kanina. Gaano katagal siya maghihintay? Mananatili na lamang ba siya ritong ignorante sa mundong kinagagalawan niya?
Oo nga't sinabi ng kanyang tiya na sasabihin din nito sa kanya ang lahat paglaki niya—ang kailangan niya lang ay maghintay—pero sapat nga ba 'yon? She can't stand the fact that all she has to do is wait, she wants to do something more helpful. But how?
Tumingala siya sa langit, patuloy sa pagkinang ang mga bituin kahit unti-unti nang nawawala ang dilim sa kalawakan.
Ni hindi niya alam kung ilang planeta ba ang pagitan ng Latreía at ng Earth, o malala, kung nasa magkaibang solar system ba ang mga ito. She and her parents could be billions of lightyears apart and she wouldn't know.
Marahas na lamang siyang napabuntong-hininga kasabay ng kanyang pagyuko.
Marahil ay kasing-lalim na ng dagat ang kanyang pag-iisip, nang may isang tunog ang pumukaw sa kanyang atensyon.
Napabaling ang kanyang ulo. It was a sound of something cracking.
Luminga siya para hanapin kung saan iyon nanggagaling. At nang matagpuan ang pinagmulan no'n ay nahuli niya ang sariling hininga. Her breathing abruptly stopped, and her heart seemed to do the same.
Nagkaroon ng bitak sa pagitan ng bangin at ng lupang kinauupuan niya!
Her body instantly froze. Halos umakyat lahat ng kanyang dugo sa ulo nang unti-unting humaba ang bitak. Mabilis na nilamon ng takot ang kanyang puso. Isang galaw niya lang ay maaaring bumagsak ang lupang kinauupuan niya.
Tumigil ang paghaba ng bitak. Napalunok siya, kahit nanginginig ay sinikap niyang tumayo nang may buong pag-iingat. Halos hindi siya huminga habang ginagawa iyon.
Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakatayo nang muling humaba ang bitak!
Napatakip siya sa kanyang bibig. Napaatras siya pero kaagad ding napatigil nang makitang wala na nga pala siyang maaatrasan! Karagatan na ang sasalubong sa kanya!
Bumalik ang kanyang tingin sa bitak nang marinig niya muli iyon. Pinagpapawisan na siya nang malamig. Gusto niyang sumigaw para humingi ng tulong pero tila nawalan siya ng boses sa labis na takot.
Nanunubig na ang kanyang mga mata pero tinatagan niya ang loob. Huminga siya nang malalim at pinalis ang luha.
"Kaya mo 'to, Alora." Pagpapatatag niya sa sarili.
Unti-unti siyang umayos ng tayo.
One... Pagbilang niya sa kanyang utak.
Two... Pinakatitigan niya ang lupa hindi kalayuan sa kanya, hindi iyon sakop ng bitak. Doon siya tatalon.
Three!
She jumped as the ground she's standing finally fell into ruins. Tagumpay siyang nakaapak lagpas sa lupang bumitak. Pero hindi niya inaasahan na magkakaroon muli ng bitak sa lupang pinaglapagan niya! Dala ng kanyang pagtalon doon ay bumagsak din ang parteng iyon!
BINABASA MO ANG
'Til Our Next Eclipse
FantasyIn a battle between beings of the sun and the moon... who would conquer? If the playful universe decided to place you and your beloved into different factions, would you rather lose to let your love win? Or would you rather win and let your beloved...