XXVII

907 64 11
                                    

⚜ CHAPTER 27 ⚜

"HOLD your breath, we're almost there." Bulong niya.

Doon ko lang napagtanto na malapit na kaming bumagsak sa tubig. Kaagad ko namang pinuno ng hangin ang aking baga upang ihanda ang sarili. Hindi nagtagal ay tuluyan na kaming bumagsak sa tubig.

Coldness immediately enveloped my system as our bodies sank into the deep water.

Vaximus started swimming right away. Tila alam niya ang direksyon na pinupuntahan. Dahil do'n ay walang pag-aalinlangan ko siyang sinundan.

Thank god for my ability to swim, I was able to follow along. Sana lang ay hindi malayo ang aming destinasyon dahil hindi ko naman kayang pigilan ang paghinga ko sa mahabang oras.

Hindi naman nagtagal ay may namataan ako sa hindi kalayuan. Napakunot ang noo ko at bahagya pang napatigil sa paglangoy.

Para iyong isang maliit na gusaling lumubog?

I looked at Vaximus and he seems unbothered... tila ba matagal niya nang alam ang lugar na iyon.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagsunod sa kanya. Habang papalapit kami nang papalapit ay mas natitigan ko iyon nang mabuti. Gawa sa marmol ang gusali, pero hindi na maayos ang kondisyon no'n. It appears to be ruins of a chapel... a sunken chapel.

Vaximus entered through a small entrance, I followed. Pero pagkapasok na pagkapasok ko, bumagsak ako sa sahig!

Napadaing ako. Walang tubig dito sa loob! How is that possible?

"Tanga-tanga,"

Napatingin ako sa lalakeng nakatayo sa tabi ko. Naiiling nito akong nilampasan.

Inis naman akong bumangon. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ang ginawa niya kanina?! He casted a spell on me! Tapos ngayon ay nandito kami sa chapel na 'to gayong ang plano ko naman ay hanapin si Sylvester!

"Ikaw! Nakakailan ka na ah! I swear to the gods I would kill you if—-"

"You know it's disrespectful swearing to the gods especially when you're in their temple."

Natigil ang bibig ko.

We're in a what? A temple?

I looked around. Napakurap ako sa pagkabigla nang mapagtantong totoo nga ang kanyang sinabi. We really are in a temple.

Gawa sa puting marmol ang lahat. Sa gitna ay may isang puno. Oo, puno, hindi naman iyon kalakihan, sapat lang para magkasya sa loob ng maliit na templong 'to. Pero nakakapagtaka, paanong may buhay na puno rito? Ang lago pa ng mga kulay puting dahon nito na wari mo ay alagang-alaga.

Hinanap ng mata ko si Vaximus. Natigilan ako nang mamataang nakatayo ito sa tapat ng isang estatwa ng babae. Nakasuot ng mahabang kasuotan ang estatwa. Ang magkabilang palad niya ay magkapatong sa harap ng kanyang dibdib, at sa pagitan ng kanyang dalawang palad na iyon ay may lumulutang na... planeta? Hindi ko alam, hindi ako sigurado... Mukha rin iyong buwan. Basta isa iyong bilog na napapalibutan ng mga bato, or more like, ng mga asteroids.

"This temple used to stand above the clouds, it was ruined due to the chaos 18 years ago." Wika niya habang nakatitig pa rin sa estatwa.

Nangunot ang noo ko. "What chaos?"

His eyes diverted on me. "The fall of darkness, the moonchildren."

Mas lalong kumunot ang noo ko.

I have heard of that. Alam kong may laban sa pagitan ng dalawang panig, na kinikitil ang mga alagad ng buwan hanggang ngayon, pruweba no'n ang natagpuan kong wilfor, pero hindi ko alam kung bakit. Why did they result to violence and countless massacres?

'Til Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon