XIX

847 71 11
                                    

⚜ CHAPTER 19 ⚜

PAGKATAPOS ng kaganapang iyon ay kailangan ko muling bumalik ng klase. Professor Ikaros instructed me beforehand that I must approach him after obtaining my weapon.

Right. Have I mentioned that my professor in War for Combats is actually Professor Ikaros? Yes, professor Ikaros, iyong propesor na nakasagutan ko bago ako makapasok sa akademyang ito. Fortunately, we're civil towards each other.

Inangat ko ang aking pulso habang patuloy na naglalakad para pagmasdan ang nakatattoo'ng armas doon. The tattoo is just as small as my thumb, but every detail is highly visible.

The weapon is a long spear. Sa isang dulo ay may pabilog na kristal, habang ang kabilang dulo naman ay may pitong patalim. Magkakatapat ang anim na patalim na nasa magkabilang gilid ng stick, habang ang isang patalim na siyang pinakamahaba ay nasa gitna. Maihahalintulad ang hugis ng anim na patalim sa paa ng gagamba—bahagyang nakabaliko—maliban sa gitnang patalim na diretso lang.

Napangisi ako. Parang ang sarap itarak ng sandatang ito sa sikmura ng aking mga kaaway, bago ko papaikutin ang stick para umikot din ang mga patalim sa loob ng sikmura nila dahilan para maghalo-halo ang kanilang mga lamang loob.

But of course I'm not that morbid... Well, not yet.

Nang marating ko ang field ay namataan ko si propesor Ikaros na tahimik na pinapanuod ang nagsasanay kong mga kaklase.

I immediately approached him which got his attention. Napatingin siya sa akin.

"You're done?"

"I think so. Ito ba ang magiging sandata ko?" Nilahad ko sa kanya ang aking pulso.

He glanced at my wrist, and to my confusion, his eyes widened. "The Spear of Gruesome Death," mahinang bulong niya sa sarili ngunit umabot pa rin sa aking pandinig.

Nangunot ang aking noo.

Tumingin sa akin ang propesor na may ekspresyong hindi ko lubusang mabasa. Para bang may hinahanap ang mga mata nito sa mukha ko.

"You got the Spear of Gruesome Death." Wika niya pero tila sa sarili niya iyon sinasabi dahil sa hina.

So that's the name of my weapon.

"May mali ba ro'n?" Kunot-noo kong tanong.

Kaagad naman itong umiling. "Nothing, nothing. Seems like your fate here in Sun Latreía Academe is just really unpredictably astounding."

Mas kumunot ang noo ko. Tatanungin ko pa lang siya kung anong ibig niyang sabihin doon nang muli na naman siyang magsalita.

"Anyway, our lesson will be focused first on physical combat without the use of weapon, before we proceed to the lessons where mastering our own weapon will be the main focus."

Tumango lang ako.

Humarap naman ito sa mga nagsasanay na studyante at inanunsyo na ang katapusan ng klase.

"Class dismissed,"




"ALORA!" Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may sumigaw sa aking pangalan.

Lumingon ako at nabungaran si Millary na kakahinto lang mula sa pagtakbo papalapit sa akin. May kasama itong isang babae na wagas kung makatitig sa akin.

My eyes shifted back to Millary. She's smiling from ear to ear. "May kasabay ka na bang maglunch?" Tanong niya.

I shook my head. Wala naman.

'Til Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon