⚜ CHAPTER 26 ⚜
A LOUD cry echoed in my mind. Ginising no'n ang diwa ko.
Awtomatiko akong napalinga, hinahanap ang pinagmulan no'n. Ano 'yon?
I heard that cry again. Tila iyak na nagmumula sa karagatan.
Kumirot ang dibdib ko. I know that voice, that familiar voice.
"Sylvester!" I called out his name.
Luminga-linga ako sa paligid pero itim lang ang nakikita ko.
Shit. I can almost feel my heart sinking in pain and frustration.
"Sylvester nandito ako!" Sigaw ko.
I know his cries are calling me. Hinahanap niya ako. Kailangan niya ako.
He cried again, this time, louder. Tila ba nasasaktan siya! Sinasaktan siya!
"SYLVESTER!"
Napabalikwas ako ng bangon, habol-habol ko ang hininga na para bang nagmula ako sa matinding pakikipaglaban.
Si Sylvester... Tinatawag niya ako. Tinatawag ako ni Sylvester!
I tried to calm myself. Panaginip lang 'yon, Alora. Sylvester's safe. He's safe.
Pumikit ako at malalim na huminga, pilit kong pinapakalma ang puso kong mabilis pa rin ang tibok.
Back then, Sylvester and I used to see each other everyday. Walang araw na hindi kami nagkita para maglakbay. Nasanay kaming palaging magkasama.
But now, we haven't seen each other for weeks. Ang malala pa, hindi ko man lang siya nasabihan kung bakit. I didn't get to bid him goodbye.
Paano kung pumunta iyon sa bayan para hanapin ako? God! They would execute him!
Napasuklay ako sa buhok. Two more weeks bago mangyari iyong once a month na paglabas ng mga estudyante. Hindi ko na kayang maghintay. I need to find a way.
"ALORA, kanina ka pa tahimik. Okay ka lang ba?" Usisa ni D'vora habang naglalakad kami patungong... hindi ko alam. Wala akong ideya. Kaninang umaga pa ako wala sa sarili kaiisip ng paraan para makita si Sylvester.
"Palagi namang tahimik si Alora. Ikaw lang ang maingay." Sabat ni Millary.
"Huwaw, nagsalita ang tahimik."
Marahas akong napabuntong-hininga. Kada minuto ay nadadagdagan lang ang pagkainis ko. "Wala bang dagat sa loob ng akademya na 'to?" Hindi ko na napigilang hinaing.
That was such a stupid question I know. Paano naman magkakaroon ng—
"Dagat? Meron naman."
Mas mabilis pa sa alas kwatro akong napatingin kay D'vora. Natigil ako sa paglalakad kaya natigil din ang dalawa.
"Saan?!" Maagap kong tanong. Nagulat pa sila sa pagtaas ng boses ko.
Nagkatinginan silang dalawa.
"Ano, sa gubat, pero walang pumupunta roon kasi sabi-sabi na meron daw mga--"
"Saang gubat?"
"Sa may gubat sa West Wing."
Gubat sa West Wing.
Damn! How could I be so stupid?!
Kaagad akong tumakbo. Dinig ko pa ang pagtawag ng dalawa pero hindi ko na sila pinansin. I ran at full speed, not minding the people along the way.
Walang ibang nasa utak ko kundi kung gaano ako katanga. I can't believe how dumb I was. Ang tanga-tanga ko!
BINABASA MO ANG
'Til Our Next Eclipse
FantasyIn a battle between beings of the sun and the moon... who would conquer? If the playful universe decided to place you and your beloved into different factions, would you rather lose to let your love win? Or would you rather win and let your beloved...